^

Pang Movies

Actress buhay mayaman sa piling ng BF na matanda pero single rin

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masuwerte ang isang actress na  maganda pa rin kahit above forty years old na siya.  Kung pa­minsan-minsan ay napapanood pa siyang mag-guest sa mga soaps ng tatlong networks, ay dahil hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagiging artista niya. Single pa rin ang actress at may mga naging boyfriends na rin siya noon.

Now, balitang she’s living in style abroad dahil napakayaman ng kanyang boyfriend na single na rin ang status. Pero hindi siya nakakalimot bumalik dito dahil may mga business din siya na iniiwanan niya sa mga mapagkakatiwalaan niyang mga tao.

Mikael hindi nakatagpo si Megan sa London

It seems magkikita naman sina Miss World 2013 Megan Young at ang spe­cial friend niyang si Mikael Daez. Umalis si Mikael sakay ng inaugural flight ng Philippine Airlines to London last Monday. May wi-fi ang PAL flight kaya puwede nang mag-text o tumawag kahit in-flight ang eroplano. Nag-tweet si @meganbata kay @mikaeldaez if true na may wi-fi na ang eroplano. Puwede naman sigurong makahingi ng konting oras si Megan sa Miss World Organization para masamahan niya si Mikael na nagpunta roon para sa special segment niya ng Midnight Snack sa news program na Saksi ng GMA-7. Hindi naman kasi pwedeng magtagal doon si Mikael dahil nagsimula na silang mag-taping ni Kylie Padilla ng telefantasiyang Adarna.

KC ginamit sa ‘status’ ni Paulo

Sumagot na si KC Concepcion sa issue sa kanila ni Paulo Avelino. Sa kanyang Twitter account na @KCConcepcion.

Today, showing na in cinemas nationwide ang movie ni Paulo na Status: It’s Complicated ng Regal Entertainment, kaya inaabangan kung mawawala na ang issue kina KC at Paulo pagkatapos ng showing ng movie sa direksyon ni Chris Martinez.

Serye nila Julie Anne patapos na

Nasa last two weeks na ang musical drama na Kahit Nasaan Ka Man ng GMA-7 na napapanood after ng Genesis. The plot thickens dahil sa mga sunud-sunod na revelations. Nalaman na ni Theresa (Eula Valdez) na si Pauline (Julie Anne San Jose) na girlfriend ng anak-anakang si Lean (Kristoffer Martin) ay anak ng taong pumatay sa kanyang asawa at anak. Hindi siya papayag na hindi pagdusahan ni Ernest (Michael de Mesa) ang kanyang kasalanan, para matupad ito, magbabayad siya ng papatay dito.

vuukle comment

CHRIS MARTINEZ

EULA VALDEZ

JULIE ANNE

JULIE ANNE SAN JOSE

KAHIT NASAAN KA MAN

KRISTOFFER MARTIN

MIKAEL

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with