^

Pang Movies

Award-winning actor, kadiri ang ilong

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Marumi sa katawan ang isang award-winning actor na maangas ang da­ting pero guwaping naman.

Eh nang interbyuhin ang aktor, napansin ng nagtatanong ang dumi sa ilong nito na hindi tinanggal, huh!

Pati nga raw tainga nito ay marumi rin.

Siyempre, turn off ang interviewer dahil sa kawalan nito ng hygiene sa ilang bahagi ng mukha na puhunan pa naman niya bilang premyadong artista, huh!

Aktibo pa naman ang aktor at mabenta sa TV at movies!

Chances... sa SK pa nag-shoot

Kinunan sa South Korea last 2022 ang pelikulang Chances Are, You and I na bida sina Kelvin Miranda at Kira Balinger.

Pero one time eh na-link sa isa’t isa ang dalawa. Pero itinanggi ito ni Kelvin.

“Wala po kaming relasyon. Ginamit ko lang ‘yung character ko upang ilabas ang totoo sa movie.

“Dahil sa trabaho kaya siguro na-link kami. Ngayon, magkaibigan kami. Magkatrabaho,” sabi ni Kelvin sa estado nila ni Kira.

Kapwa single sina Kira at Kelvin at kung mag-level up ang friendship nila, abangan na lang natin.

Produced ng Pocket Media Productions ang Chances Are, You and I in cooperation with Happy Infinite Productions mula sa direksyon ni Catherine “CC”  Camarillo at distributed ng Regal Entertainment.

Napili ang movie bilang isa sa Spotlight Entries ngayong May 25-26 sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan at showing sa May 29 sa mga sinehan.

vuukle comment

SOUTH KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with