^

Pang Movies

SGA itinabla ang Thunder sa Mavs

Pang-masa

DALLAS — Kumamada si Shai Gilgeous-Alexander ng 34 points at nalampasan ng Thunder ang isang Mavericks franchise playoff-record na 13 blocks para sa 100-96 panalo sa Game Four at itabla sa 2-2 ang Western Conference semifinals series.

Nagsalpak sina Chet Holmgren at Lu Dort ng clutch 3-pointers sa dulo ng fourth quarter habang ang slam dunk ni Jalen Williams ang nagbigay sa Oklahoma City ng 94-91 abante sa huling 1:29 minuto.

Ito ay sa kabila ng pag­sigaw ng mga Dallas players at coaches ng double-dribble violation kay Williams.

Ang isang free throw ni Luka Doncic sa huling 10.1 segundo ang nagdikit sa Mavericks kasunod ang dunk ni Williams sa panig ng Thunder.

Nagposte ang Dallas ng isang 14-point lead sa third period bago lumaylay ang kanilang opensa na sinamantala ng Oklahoma City para agawin ang 89-86 bentahe sa huling 3:24 minuto ng laro.

Pinamunuan ni P.J. Washington Jr. ang Mave­ricks sa kanyang 21 points at tumipa si Doncic ng triple-double na 18 points, 12 rebounds at 10 assists.

Sa Cleveland, umiskor si Jayson Tatum ng 33 points sa 109-102 panalo ng Boston Celtics sa Cavaliers sa Game Four at agawin ang 3-1 lead sa Eastern Conference semifinal series.

Nagdagdag si Jaylen Brown ng 27 markers para sa Boston na maaari nang sibakin ang Cleveland sa Game Five sa kanilang homecourt.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with