^

Pang Movies

Award ng KathDen at DongYan, may intriga!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Award ng KathDen at DongYan, may intriga!
KathDen

Para sa taong 2023, sinasabing ang pelikulang may pinakamalaking kinita ay ang Rewind ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera noong nakaraang MMFF.

Kaya naman silang dalawa ang tinawag ngayong Phenomenal Box Office Stars in Philippine Cinema.

Pero bakit nila binigyan ng titulong Box Office Queen si Kathryn Bernardo para sa pelikula niyang A Very Good Girl at si Alden Richards naman ang tinawag na Box Office King dahil sa pelikula niyang Five Breakups and a Romance.

Nagkalituhan tuloy sino nga ba ang bida at sino ang hindi?

Bakit kailangang magbigay pa ng bagong title sa kumitang pelikula at tapos ay i-maintain pa rin ang original nilang award na Box Office King and Queen?

Parang mali na sila ang ideklarang king and queen ngayon, dapat binigyan sila ng award batay sa taon ng pelikula nilang naging malaking hit.

Bea, nasagad sa pamemersonal!

Lumalabas sa mga kuwentuhan na ang naging batayan pala ng demanda ni Bea Alonzo ay may kinalaman sa mga ispekulasyon sa kanilang relasyon ni Dominic Roque na naglalabasan.

Sa mga usapan kasi noon pati na ang sinasabing pagpapaimbestiga ng kampo ni Bea kung may kayamanan nga si Dominic ay lumalabas na siya ay parang isang material girl, na hindi siyempre niya nagustuhan.

May lumalabas pa noon na sa kanila raw mga lakad sa abroad, si Bea ang gumagastos na hindi naman totoo. In fact nang mag-propose nga raw sa kanya si Dominic, binigyan pa siya ng engagement ring na diumano ay nagkakahalaga ng tatlong milyong piso.

Ang mga usapang ganyan ay masyado ngang personal at masasabi mo ngang invasion of privacy na at isang karapatang itinatakda rin ng ating konstitusyon.

Kung mayroon mang freedom of expression na sinasabi ang konstitusyon, may limitasyon din namang itinatakda iyon.

Ang mga limitasyong iyan ay sinusunod naming mga nasa lehitimong media, pero ang mga nasa social media, wala niyan at marami pa ang mga nagkakalat ng fake news.

KC, ninenega dahil kay Sharon!

Sa kabila ng diretsahang pahayag ni Sharon Cuneta sa nationwide television na hindi nga sila nagkakasundo ng panganay niyang si KC Concepcion, si KC naman ay gumawa pa ng isang special vlog noong mothers’ day para parangalan at sabihin kung gaano niya kamahal ang kanyang ina.

Kung babalikan naman natin lahat ng mga balitang lumalabas, ni minsan ay wala pang sinabi si KC laban kay Sharon. Pero mula kay Sharon may mga hindi magagandang lumalabas tungkol kay KC.

Kasalanan din ba ni KC kung minsan ay naikukumpara siya ng mga tao sa mga kapatid niyang anak ni Sharon? Pero sa mga kapatid niyang anak ni Gabby Concepcion wala silang controversy.

Kaya ano man ang sabihin ninyo naniniwala pa rin kaming isang mabait na bata si KC at kagaya ng ginawa niyang pag-aalaga sa lola niya, ganoon din ang gagawin niyang pangangalaga sa nanay niya kung dumating ang panahong matanda na rin iyon.

Direk, walang kaalam-alam sa raket ng karelasyong aktor

Tiyak magwawala si direk basta nalaman niyang ang male star na talagang bini-build up niya sa kanyang mga BL series, at pinaghandugan niya ng kanyang puso at pitaka, ay ipinakilala pala ng isa pang male starlet na kasama rin sa projects nila sa isang kaibigan noong bading at may nangyari nang milagro.

“Siya naman ang lumapit sa akin at nagtanong kung may kakilala raw akong makakatulong sa kanya dahil kailangan niya ng pera, kaya ipinakilala ko naman siya sa isang kaibigan ko na ok naman, dahil dati ko iyong customer. Sumama siya, ibinigay naman ang kailangan niyang pera, ano ang problema ko roon?”sabi naman ng male starlet na naging go between.

Wala nga naman siyang problema roon, ang dapat magkalinawan ay ang male starlet na naghanapbuhay at si direk.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with