^

Pang Movies

Daniel ka-level sina Justin Bieber/Timberlake sa World Music!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ngayon siguro puwede nang tawanan ng malakas ni Daniel Padilla ang mga nagtatawa noon sa kanyang pagkanta. Isipin ninyo, si Daniel ngayon ay nominated sa tatlong kategorya sa World Music Awards. Nominated siya bilang best male artist, best live act, at best entertainer.

Hindi naman natin inaasahang mananalo si Daniel. Isipin naman ninyo kabilang sa kanyang mga kalaban sa mga kategorya sina Justin Timberlake at maging si Justin Bieber. Pero iyon lamang mai-consider si Daniel sa dinami-dami ng mga singer sa buong mundo, aba, eh napakalaking bagay na at iyong mga nagtatawa sa kanyang pagkanta, ano nga ba ang katayuan ng career ngayon?

Iyan ang sinasabi namin eh. May mga artista naman kasi, na lalo na ang mga baguhan, na likas ang kayabangan. Akala mo kung sinong magaga­ling kung kumanta at kung umarte. Napakataas pang maningil ng mga talent fee nila dahil akala yata ng mga manager nila ay talagang stars sila. Kaso hindi naman sila malakas talaga sa mga tao. Pagdating sa popularidad, kamote rin naman sila. Kaya ano ang nangyayari dahil sa kayabangan, ayun, at naaalis sa mga show. Walang trabaho. Maisingit man, nandoon na lang sa mga patay na time slot, hindi na napapanood sa primetime.

Pero tingnan ninyo si Daniel, ang kanyang serye ay nangunguna pa rin sa primetime. Pinatataob nga niya ang katapat. At ngayon, kinikilala pa ang kanyang kakayahan bilang isang entertainer, ang maging nominee sa World Music Awards.

Hindi hotoy-hotoy ang karangalang iyan. Iyon lamang katotohanan na may mga sikat na artist, kagaya nina Timberlake at Bieber, na kasama sa listahan ay nagpapatunay na malakihan talaga iyon.

KC nalilihis ng linya, sunggab nang sunggab!

Inamin na ni Paulo Avelino na nagde-date nga silang dalawa ni KC Concepcion. Baka naman publicity slant lang dahil may gagawin silang project. Kung totoo iyan, aba, eh aray ko.

Mukha ngang nalilihis ng tamang linya si KC. Hindi naman sa sinasabi naming hindi mabuting tao si Paulo pero may anak na iyan na dapat ay mas pana­gutan niya. Kung iyong babaeng naanakan niya ay hindi niya napanagutan eh.

Isa pang isyu, ewan naman kung bakit biglang gumawa ng isang action picture rin si KC. Kung iyon ngang mga pelikulang matindi na ay tumagilid pa, iyan pa bang action movie na ginagawa niya ngayon?

Nagkamali na nga siya sa pakikipag-love team niya noon, ngayon ganyan na naman ba? Sayang naman si KC kung ganyan na lang siya nang ganyan.

Aktor nagmamalaki na walang babalikan sa mga ex-GF, siya naman ang nilalayasan

Mabilis ang naging reaksiyon ng ilan sa naging ex-girlfriends ng isang aktor na nagsabi sa isang TV show na wala na siyang gustong balikan sa mga naging ex niya. Lahat halos sila ay nagsabing “Bakit, babalikan din ba naman namin siya?”

Mukhang hindi nga rin maganda ang kanilang naging pakikitungo sa kanila at ang totoo, maliban sa isang trying hard, lahat naman ng ex niya ay siyang nakipagkalas sa kanya.

 

vuukle comment

DANIEL PADILLA

ISIPIN

JUSTIN BIEBER

KUNG

NAMAN

NIYA

WORLD MUSIC AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with