^

Pang Movies

Kris pinatulan ang mga nang-iintrigang fans ni Kim!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi talaga napigilan ni Kris Aquino ang mag-express ng kanyang nararamdaman sa fans ni Kim Chiu na nang-iintriga sa kanya dahil igine-guest niya si Bea Alonzo sa Kris RealiTV to promote She’s the One.

Base sa kuwento ni Kris sa show kahapon, sinasabi ng fans ni Kim that she’s playing favorites kaya nilinaw niya ito.

“Doon sa fans na gumagawa ng intriga, don’t be intrigero. May fans na gumagawa ng intriga na sinamahan si Kimmy, I did,” say ni Kris.

Binanggit niya kay Kim ang tungkol dito at say daw sa kanya ni Kim, “Nanood ka with me (ng Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? na pelikula nina Kim at Xian Lim), ’tapos ’di ba nandoon din silang lahat? Buong staff (ng Kris RealiTV).”

“Sabi ko, ‘Kimmy, sabihan mo sila (Kim’s fans), na-hurt talaga ako.’ Kaya sabi ko, sana, they’re not like that to make intriga kasi puwede naman talaga to love everybody.”

Huwag daw i-compare sina Kim and Bea at hindi porke’t nag-guest si Bea ay ang aktres lang ang love niya.

“Kapag puro si Bea ang nakikita n’yo it doesn’t mean na si Bea lang ang love. It just so happens na siya lang ang nagbigay ng oras ngayon and right after this si Kimmy naman ang kasama ko. So, parang I mean, halatang-halata n’yo naman kung sino ang mga favorite ko. Hindi ko naman itinatago ’yun, ’di ba? It’s obvious. So, sana, walang ganung intriga,” diin pa ng Queen of All Media.

Idinagdag pa ni Kris na hindi dapat intrigahin ang pagpo-promote ni Bea.

“Hello good luck charm ang Kris RealiTV. Lahat nang nagsumikap na mag-promote rito ay over a hundred million lahat (ang kinita sa box office), so, alam n’yo na,” natatawang say ni Kris habang pati si Bea na guest din kahapon ay natatatawa rin.

Say pa ng TV host, huwag daw pag-awayin ang da­lawang young actresses to which, say ni Bea, “oo nga”.

Siyempre, habang nagsasalita si Kris, panay lang ang ngiti ni Bea at hindi naman nagko-comment para hindi na rin humaba siguro or hindi siya ma-misinterpret ng fans.

Matatandaang medyo galit nga kasi ang fans ni Kim kay Bea dahil remember na nagkaroon dati ng affair ang young actress kay Gerald Anderson? So, ’yun na.

Charice tl na tl sa girlfriend!

Para kay Charice Pempengco, ang girlfriend niyang si Alyssa Quijano ang “she’s the one” kahit pa sabihing hindi niya ito first girlfriend.

She revealed to us na she was 13 years old nang magkaroon siya ng first relationship sa kapwa babae na ikinagulat nga namin dahil 12 years old siya nang sumali sa Little Big Star. Ibig sabihin kasi that time ay alam na pala niya talaga ang kanyang sexual preference.

“Hindi n’yo napansin, ’no?” natatawa niyang sabi.

She’s the one raw si Alyssa dahil sa tagal ng pagkakakilala nila at pagiging magkaibigan.

 â€œNakilala ko po siya, ten years old ako, nine years old siya. Doon pa lang, crush-crush na. Childhood crush ko siya, hindi niya alam. Nasabi ko lang sa kanya last year.

“Sa kanya ako nagkaroon ng lakas na loob na ma­ging open, to let everyone know, kasi kung ganun ka-strong ang love ko sa iba I would have done it before (na mag-come out as gay). Pero sa kanya lang talaga,” giit ni Charice.

Twenty one years old na si Charice ngayon kaya 11 years na raw ang foundation nila ni Alyssa.

Charice is having a benefit show para sa Bohol earthquake victims on Nov. 5 sa New Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

vuukle comment

ALYSSA

ALYSSA QUIJANO

BAKIT HINDI KA CRUSH

BEA

CHARICE

KIM

KIMMY

KRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with