^

Pang Movies

Pahulaan kung sino Sharon trinaydor ng kaibigan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Intrigang-intriga ang fans ni Sharon Cuneta sa kaibigan na sinasabi nitong naging traydor sa kanya.

Hindi nagbigay ng clue si Sharon sa identity ng tao na sumira sa kanyang tiwala pero tiniyak niya sa kanyang mga tagahanga na hindi si Judy Ann Santos o ibang artista ang nilalang na nanloko sa kanya.

Ayaw magpaawat ng fans. Hindi raw sila hihinto hangga’t hindi nila nalalaman ang pangalan ng tao na nanloko sa kanilang idol.

Butch excited nang makipagharap kay Ryzza Mae

Pare-pareho ang mga feedback na narinig ko tungkol sa guesting kahapon ni Butch Francisco sa The Ryzza Mae Show ni Ryzza Mae Dizon.

Obvious na obvious daw na excited si Butch habang nakikipagkuwentuhan sa youngest television show host. Sino ba naman ang hindi magiging excited sa pakikipag-usap kay Ryzza Mae na natakot dahil gusto ni Butch na agawin ang kanyang show at gawin ito na The Butch Francisco Show?

At least, nagkaharap na ang dalawa. Kilala na ni Ryzza Mae si Butch. Hindi na magtatanong ang bata kung sino si Butch at mawawala na ang paniniwala niya na si Butch ang may-ari ng GMA 7 dahil ito ang kuwento na narinig ng bagets mula sa mga reporter na nang-goodtime sa kanya.

Yuki at home na sa ‘Pinas

Ang sipag mag-promote ng Instant Mommy ng Japanese actor na si Yuki Matsuzaki na ilang araw nang naririto sa ating bansa.

Ngayon ang showing ng Instant Mommy sa mga sinehan pero hanggang kahapon ay may-I-promote si Yuki ng pelikula nila ni Eugene Domingo.

May taping ngayon si Eugene para sa Celebrity Bluff at hindi ako magugulat kung special guest niya si Yuki para masulit ang pananatili nito sa Pilipinas.

At home na at home si Yuki sa mga Pilipino. Nang umapir siya sa Sunday All Stars noong Linggo, nagsalita siya sa wikang Pilipino at ikinaloka ito ng te­le­viewers. Hollywood-based actor si Yuki pero hindi malayo na maging second home niya ang Pilipinas dahil wiling-wili nga siya sa ating bayan.

Renz magiging karibal ni Aljur

Kinumpirma ni Kris Bernal na Prinsesa ng Buhay Ko ang final title ng coming soon teleserye nila ni Aljur Abrenica sa GMA 7.

Prinsesa ng Masa ang original title ng project at parang pinakinggan ng GMA 7 management ang suggestion na baka malito ang televiewers dahil sa show ni Doris Bigornia sa ABS-CBN, ang Mutya ng Masa.

Ang Prinsesa ng Buhay Ko ang unang regular show ni Renz Fernandez sa GMA 7. Siya ang magiging karibal ni Aljur sa puso ni Kris. Si Mama Malou Choa Fagar ang manager ni Renz at co-manager ang GMA Artist Center.

Ogie dasal sa biyenan ang hiningi sa kanyang birthday

Kahapon ang 47th birthday ni Ogie Alcasid at very memorable ito dahil marami ang nangyari sa kanyang career.

Ipinagdiwang ni Ogie ang kanyang 25th year sa showbiz sa pamamagitan ng isang concert, nag-goodbye siya sa GMA 7, at nag-ober da bakod sa TV5. Makakasama ni Ogie sa isang musical show si Sharon Cuneta at nawala man ang Bubble Gang, magkakaroon siya ng gag show sa Singko.

 Nagpasalamat si Ogie sa lahat ng mga nakaalala sa kanyang kaarawan kahapon. At the same time, nag-request siya ng dasal para sa kanyang biyenan, si Mang Gerry Velasquez na kasalukuyang nasa banig ng karamdaman. Apektado si Regine sa pagkakasakit ng kanyang ama at siyempre, affected din si Ogie dahil pamilya sila.

vuukle comment

BUHAY KO

BUTCH

INSTANT MOMMY

KANYANG

OGIE

RYZZA MAE

SHARON CUNETA

YUKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with