^

Pang Movies

Ryzza Mae hindi kilala si Bimby

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Confirmed na hindi kilala ni Ryzza Mae Dizon si Bimby Yap dahil hindi pa naman sila nagkakaharap.

Normal lang na i-deny ni Ryzza Mae si Bimby dahil hindi pa nagsisimula ang shooting nila para sa kanilang pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival.

Si Kris Aquino lang ang kilala ng child star dahil araw-araw na napapanood sa TV ang nanay ni Bimby. Competitor na nga ni Kris si Ryzza dahil pareho na silang mga talk show host. Pareho rin na pang-umaga ang kanilang mga prog­rama.

‘Wala akong kamali-malisya’

Kahapon ko lang na-review ang report ng isang broadsheet tungkol sa libel complaint ni Atty. Raymund Palad laban sa akin.

Nakalagay sa report ng broadsheet na ipino-promote ko raw ang indie movie na pinagbidahan nina Hayden Kho, Jr. at Lovi Poe noon kaya isinulat ko sa Pilipino Star NGAYON (PSN) ang diumano’y suspension kay Atty. Palad.

Napa-look ako sa sky nang mabasa ko ang report ng broadsheet. Why, oh why? Una, mainstream at hindi indie movie ang pelikula nina Lovi at Hayden. Pangalawa, bakit ko ipo-promote ang isang pelikula na hindi ako naimbita sa presscon?

Useless para mag-emote pa ako dahil ibinasura na ng Prosecutor’s Office ng Valenzuela City ang reklamo ni Atty. Palad laban sa akin, sa PSN entertainment editor na si Salve Asis, at kay Papa Al Pedroche, ang editor-in-chief ng PSN.

Sa true lang, wala akong kamali-malisya nang isulat ko noong April 23 ang balita na narinig ko tungkol kay Atty. Palad kaya nagtaka ako nang magdemanda siya ng libel.

Kempee nagpa-wax ng balahibo sa buong katawan

Pinaghandaan ni Keempee de Leon ang gay role niya sa My Husband’s Lover. Nagpa-wax si Keempee ng mga balahibo sa binti, braso, at dibdib para maging credible siya sa kanyang role.

Dedma si Keempee sa mga balita na second choice lamang siya para sa role ni Zandro Soriano dahil si Paolo Ballesteros ang original choice. Hindi uso kay Keempee ang mga ganoong klase ng intriga dahil mas mahalaga sa kanya na nabigyan niya ng justice ang kontro­bersiyal na role.

Hiwalayang Raymart at Claudine maraming nadawit

Lumang footage ng video nina Raymart Santiago at Claudine Barretto ang ipinakita kahapon sa Startalk.

Courtesy ng defunct show na Showbiz Central ang video na nagpakita sa mag-asawa na kapwa umiiyak sa harap ng TV camera dahil sa personal na problema na kanilang pinagdaraanan noon.

Kung hindi ako nagkakamali, three years old ang video nina Raymart at Claudine. Walang mag-aakala na after three years ay maghihiwalay sila at magiging ugly ang kanilang separation dahil humantong ito sa korte.

Puro speculations pa lamang ang mga tao sa tunay na dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa. Wala silang makuha na dokumento na magdedetalye sa naging problema nina Raymart at Claudine.

Naloka lang ako nang mapanood ko kahapon ang rewind ng mga kontrobersiya na pinagdaanan ng mag-asawa dahil marami pala ang mga tao na nadamay, artista, at private individual.

Hindi ako magugulat kung napanood nina Claudine at Raymart ang featured story kahapon ng Startalk, pati na ang aming mga opinyon tungkol sa pagkawasak ng kanilang pagsasama.

vuukle comment

AKO

BIMBY

CLAUDINE

DAHIL

KEEMPEE

PALAD

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with