^

Pang Movies

Sid bulol magbasa

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Excited na si Iza Calzado sa muling niyang pagho-host ng The Biggest Loser Pinoy Edition ng ABS-CBN. At bilang paghahanda nito ay nag-undergo pa siya ng TV hosting workshop na ang mismong nagtuturo sa kanya ay si Boy Abunda.

Panay din daw ang aral at pagbabasa niya ng mga research tungkol sa mga physical challenge na gagawin sa show.

“Lakas makatanda,” pagbibiro ni Iza nang matanggap niya ang tropeo bilang isa sa Dekada Awards: Gallery Distinction sa katatapos na 10th Golden Screen Awards for Movies ng Entertainment Press Society (Enpress).

Thankful ang aktres sa EnPress dahil ang award-giving body din ang unang nakapansin ng kanyang talino sa pag-arte at hanggang ngayon ay kinikilala pa rin ang husay niya sa aktingan. Malaking bagay sa katulad niyang artista na nabibigyang halaga rin ang kanilang trabaho.

Kaya mas lalo pa siyang sisipagin sa bagong indie film na niluluto ng writer/director na si Jun Lana, ang Kuwentong Barbero, at makakasama niya sina Eugene Domingo at Eddie Garcia. Sa tanong kung kelan ba niya balak mag-asawa ay ngumiti lang ang aktres.

“Hindi pa oras at ayoko pa,” sagot nito.

Samantala, kapwa nanalo rin ng award si Eugene sa Dekada Awards at si Manoy Eddie naman sa best motion picture–drama bilang best actor–drama (naka-tie up si Alfred Vargas sa Ang Supremo) at best director naman si Jun.

’Katuwa si Manoy dahil hanggang gusto pa rin siyang kunin ng industriya ay willing pa rin siyang magtrabaho as long as bagay sa kanya ang role na gagampanan nito. Meron ding cut-off ang veteran actor sa kanyang taping or shooting pero minsan ay hindi naman nasusunod dahil kung minsan ay hindi maiwasan na may kailangang kunang eksena. Bumabawi na lang siya ng tulog sa araw o kinabukasan para lalo pa ring maging malakas at ma-appeal si Manoy.

Kaya naman pala gandang-ganda si Ara Mina nang tumanggap din ng Dekada award ay dahil first time niyang nakasama ang kanyang boyfriend na si Patrick Meneses sa isang awards night. Nagpa-cute pa ang aktres na ayaw pa kunong banggitin ang name ng kanyang dyowa pero itinuro niya ang kinauupuan nito.

Kuwela rin ang pagbabasa ng guide ng awards ni Sid Lucero dahil nagkanda-buckle siya sa pagbibigkas ng name ng mga nominado at nanalo na siya mismo ay natatawa sa kanyang sarili. Buti na lang to the rescue at kalmadung-kalmado si Ara na ka-partner niyang presentor.

Tumanggap din si Sid ng Dekada award at inihandog ang kanyang tropeo sa kanyang magiging baby girl  na si Halo Eve at sa rakistang girlfriend.

 

vuukle comment

ALFRED VARGAS

ANG SUPREMO

ARA MINA

BIGGEST LOSER PINOY EDITION

BOY ABUNDA

DEKADA

DEKADA AWARDS

EDDIE GARCIA

ENTERTAINMENT PRESS SOCIETY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with