^

Pang Movies

Kaso ‘di maligawan dahil may karelasyon male host na-elya-elya sa sexy actress na nakasama sa isang show!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi napigilan ng isang male host na ma-attract at mainitan sa isang sexy actress na nakasama nito sa isang company show.

Kilala ngang pihikan ang naturang male host pero noong makita niya sa unang pagkakataon ang sexy actress, hindi na raw mawala ang tingin niya rito.

Nakikita lang daw kasi niya ito sa mga TV commercials at print ads, pero in person daw ay lalong lumakas ang dating nito.

For the first time daw ay natorpe siya sa sexy actress at dinaan pa niya sa alalay nito ang pagtanong ng contact numbers nito.

Alam naman daw ni male host na may boyfriend na iba ang sexy actress, isang businessman-sportsman. Pero wala itong pakialam dahil sobra nga siyang nahumaling sa ganda at sexy nito.

Kaya noong sumampa na sila sa entablado ng company show, natulala ang male host sa sinuot na seksing damit ng sexy actress. Halos kita na ang lahat pero bagay naman daw dito.

Lalong na-in love at nag-init ang male host sa sexy actress kaya hihintayin na lang daw nitong maging single ulit at agad niya itong popormahan para maging girlfriend niya ito.

Sunshine nabago ang buhay nang maging ina

As a mother nga ay malaki nga raw ang nabago sa buhay ni Sunshine Dizon na nagbabalik ulit sa GMA-7 pagkatapos magpahinga ng apat na taon via Mundo Mo’y Akin.

Noong kinasal nga siya sa kanyang mister na si Timothy Tan, pinangako ni Sunshine na magiging priority niya ang kanyang pamilya kahit na balikan pa niya ang kanyang pag-aartista.

Noong maging mommy na nga si Sunshine, doon nga nag-sync in sa kanya ang mga pangaral sa kanya ng kanyang ina na si Dorothy Laforteza.

Ninakaw na alahas sa ex ni Ryan Seacrest, insured!

Officially split na ang American Idol host Ryan Seacrest at ang girlfriend niyang bida sa pelikulang Safe Haven na si Julianne Hough.

Two years din ang tinagal ng kanilang relasyon at panahon na raw na magkaroon sila ng break mula sa isa’t isa. May kinalaman nga raw sa paghihiwalay nila ang kanilang hectic schedules.

Pero according to Us Weekly, magkaibigan pa rin naman daw sila at panay pa rin ang communication.

Bukod sa pagiging host ng AI, radio host din si Seacrest ng kanyang weekday morning radio show at weekly countdown radio show. Executive producer din siya ng reality series na Keeping Up with the Kardashians.

Si Hough naman ay sunud-sunod ang mga naging pelikula. Like last year at nakadalawa siya: Footloose and Rock of Ages. Natapos niya ang Safe Haven at magbabalik nga siya sa Dancing with the Stars after leaving it temporarily in 2009.

Kelan lang nga ay nanakawan si Hough sa kanyang sasakyan. Ninakaw ang $100,000 worth of jewelry na regalo sa kanya ni Seacrest sa loob ng kanyang kotse habang naka-park ito sa tapat ng bahay ng kaibigan niya.

Nakarating nga ito kay Seacrest at nangakong papalitan ito dahil insured naman daw lahat ng alahas.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

DAW

DOROTHY LAFORTEZA

FOOTLOOSE AND ROCK OF AGES

HOST

NIYA

RYAN SEACREST

SAFE HAVEN

SEACREST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with