^

Pang Movies

Baka ma-ekis pa Erotica ng Regal pinag-iinitan ng MTRCB?!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Sapat ang dahilan nina Direktor Peque Gallaga at lahat ng may kaugnayan sa paggawa ng pelikulang erotica, Seduction, para mapraning sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Ang iniisip ng pangkat ng Regal Entertainment, Inc., pinag-iinitan sila ng MTRCB at baka bigyan ng X-rating (hindi puwedeng ipalabas sa mga sinehan) ang most awaited film of the season.

‘‘Akala nila bastos ang Seduction,’’ reklamo ng batikang direktor. ‘‘Lahat ng mga scene dito may kumpletong dahilan at motivation. Hindi ’yon basta na lang maghahalikan o magroromansa.’’

Nag-usbong ang galit nila nang ma-disapprove ang Seduction trailer. Kaya ang usap-usapan sa Board, binabantayan nang husto ang buong pelikula.

Baka lalo na kung mapapanood ng MTRCB ang isang higit na umuusok sa trailer, especially made by Gallaga’s staff for the media. Gusto kasi nilang talagang makuha ang complete approval ng press na siyang malaki ang maitutulong upang maging blockbuster ang Seduction, tulad ng Scorpio Nights.

Lahat ng tatlong lead stars ng Seduction — Solenn Heussaff, Sarah Lahbati, at Richard Gutierrez — bigay-todo sa pelikula. Si Solenn, lahat ng hini­ling sa kanyang maseselang eksena, agad sumunod at ginawa ng buong puso’t kaluluwa.

Si Richard, kahit kailangan munang uminom ng alak, wala ng hihilingin pa. Lalo na sa napanood naming super sexy trailer. Nakakalakas ng kalabog ng dibdib!

Kahit nag-alinlangan pa noong una si Sarah, nang maiintindihan ang mga sitwasyon sa love scenes, pumayag na rin at ibinuyangyang na ang lahat ng alindog.

Sabi nga ni Solenn, naibigay niya ang complete trust kay Direk Peque, kay Richard at sa lahat ng involved sa Seduction. Kaya walang dahilan upang mag-inarte pa siya sa mga erotic scene.

Ipinahayag pa ni Direk Peque na for the first time ay gumamit siya ng CGI (computer generated images) upang higit na maging makatotohanan ang mga nagliliyab na pagtatalik sa Seduction.

Taong 2013 na tayo. Kailangan pa bang sikilin ang artistic liberty ng ang artistic freedom ng mga taga-pelikula? Baka bumangon sa hukay ang mga National Artist na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal! Baka maudlot ang expectation ng media na ang Seduction ang magiging unang blockbuster sa taon ng ahas!

Sarah sinira lang ang plano ni Richard sa birthday

Hayagang sinabi ni Richard Gutierrez na miss na miss niya si Sarah Lahbati. Ilang oras siyang nakaupo sa main table last Friday evening, sa presscon ng Seduction, hindi man lang siya ngumiti.

Madodoble ang lungkot ni Chard dahil magdiriwang siya ng birthday this week. Sira lahat ang kanilang mga dating plano. Mukhang tinamaan talaga ng pana ni Kupido ang one of the most eligible bachelors in town. Malayo pa ang Feb. 14, may istorya na tayong pang-Valentine.

Celebrities ka-join sa Alay Lakad ng Anak TV

Magpalista na sa Alay Lakad ng Anak TV on Jan. 27 sa UP Sunken Garden. Isang pamilyang may apat na sasali sa fun run ay magbabayad lang ng P500. Meron na silang libreng dalawang T-shirts.

Lahat naman ng celebrities na kasali ay may karapatan mag-join sa auction ng mga round trip ticket to USA and Hong Kong, donated by Cathay Pacific. Ang perang malilikom, pupunta sa Anak TV Foundation.

Mga lumang formula alisin na sa MMFF 2013,lalo na ang kopyang istorya!

Malayo pa ang 2013 Metro Manila Film Festival pero kailangan nang maghanda ang ating mga film producer sa higit na makabuluhang panooring pambata at pang-masa.

Mayaman ang kulturang Pinoy sa mga alamat at super heroes. Sana maiba naman kina Agimat at Enteng Kabisote ang gawin. Hiling din ng masa, huwag masyadong umasa sa mga kabaklaang tema at hungkag na pagpapatawa. At lalong huwag mangopya ng istorya sa foreign movies!

Nobelista nauna nang magka-idea dahil sa Chinese films

Noon meron akong madalas makasabay na manood ng mga Chinese film sa mga sinehang Kings at Queen’s sa Ongpin, Manila. Very prolific siyang magsulat ng nobela sa komiks. Marami kasing magagandang pelikulang Intsik na kanyang pinagkokopyahan.

Bigyan siyang bigla ng Tikoy award!

vuukle comment

ALAY LAKAD

ANAK

DIREK PEQUE

LAHAT

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

SEDUCTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with