^

Pang Movies

Director ng Sosy Problems, hindi nagpapakita

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kasabay ng Startalk ang presscon ng Sosy Problems kaya hindi na ako nakasaglit.

Na-miss ko tuloy ang pinag-uusapan na kaseksihan at magkakatulad na outfit nina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Bianca King, at Heart Evangelista.

Naging close friends ang apat mula nang gawin nila ang filmfest entry ng GMA Films.

Ang sabi ni Mama Annette Gozon-Abrogar, napanood na niya ang kabuuan ng pelikula at nagandahan siya.

Sa madaling-salita, hindi totoo at hindi dapat pa­ni­walaan ang mga tsismis na hindi natapos ang shooting ng Sosy Problems ‘no?!

Si Andoy Ranay ang direktor ng Sosy Problems. May mga nagsasabi na siya ang dahilan kaya nagka­roon ng aberya sa shooting ng pelikula ng GMA Films.

Walang nakakaalam sa kinaroroonan ngayon ni Andoy dahil hindi siya nagpakita sa presscon ng Sosy Problems.

Pero matutuwa si Andoy dahil walang sinabi na laban sa kanya ang mga artista ng pelikula niya. Kung maririnig ni Andoy ang mga papuri ng mga nakapanood sa Sosy Problems, baka ma-disappoint siya dahil ipinatsugi niya ang kanyang pangalan sa film credits.

Glydel at Tonton tinirhan na ang dream house

Ipagdiriwang ng mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado ang Pasko at Bagong Taon sa new house nila sa Commonwealth, Quezon City.

Excited ang mag-dyowa at ang kanilang dalawang anak dahil maganda ang bahay nila.

Dream house nina Tonton at Glydel ang property na binili  pero wala silang plano na ibenta ang townhouse nila sa New Manila dahil masuwerte ito sa kanila.

Gustung-gusto ng mag-dyowa ang New Manila house nila dahil malapit ito sa isang bagong bukas na mall na favorite puntahan ng kanilang anak na si Aneesa.

Aktres nagmumura at negang-nega kahit Pasko, mga kaibigan at kapatid inaaway gamit ang social media

Paskung-Pasko pero negang-ne­ga ang aktres na maraming problema.

Kinaiinisan ang aktres dahil pati sa mga social media, nagmumura siya.

Ginagamit din niya ang social media sa pang-aaway sa kanyang mga kaibigan at kapatid.

Lumalabas tuloy na ang aktres ang may matindi na attitude problem dahil sa kagaspangan ng ugali na ipinakikita niya.

Nilalayuan na ang aktres ng mga tao na nagmamalasakit sa kanya. Kung hindi magbabago ang aktres, tuluy-tuloy na ang self-destruction niya.

Agimat, si Enteng... best float

Tagumpay ang Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars na ginanap kahapon sa Roxas Boulevard sa Manila City.

Ipinalabas kagabi sa TV5 ang star-studded parade kaya parang dumayo na rin sa Roxas Boulevard ang televiewers.

  Siyempre, ang bonggang float ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako ang bet ng lahat sa Best Float ng MMFF.

 

vuukle comment

ANDOY

BAGONG TAON

BEST FLOAT

BIANCA KING

DAHIL

ENTENG KABISOTE

NEW MANILA

ROXAS BOULEVARD

SOSY PROBLEMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with