^

Pang Movies

BB hindi pinag-interesang kilalanin ng kambal ni Carmina

CHISMIS ITOH - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kinukuwento ng bagong kasal na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel kung paano nila sinabi sa kanilang anak na kambal na sina Maverick at Cassandra ang tungkol sa unang pagpapakasal ng kanilang ina sa ibang lalaki.

Never pa nilang sinasabi na dating ikinasal na si Mina kay Rustom Padilla na kilala na ngayon bilang BB Gandanghari.

“Tinago talaga namin hanggang hindi pa nangyayari ang matagal ko nang pangako kay Mina. Gusto kasi na kay Mina manggagaling ang lahat ng kuwento.”

Hinintay lang din ni Mina na nasa tamang edad na ang kanilang kambal bago niya sabihin ang lahat.

“Nasa tamang edad naman na sila ngayon. They can understand na ang lahat nang sasabihin ko sa kanila. Kaya tamang timing lang na nangyayari na ang lahat nang ito sa amin, it’s best na maging open na ako sa mga anak namin—tungkol sa nakaraan ko,” pagsang-ayon naman ng aktres.

Pero laking gulat nga ni Carmina nang mag-open up na sila tungkol sa dating pagpapakasal ay alam na raw ng kambal ang tungkol dun.

“So nasabi ko, ‘Talaga? You both know?’ Sagot nila, ‘Yeah, to BB!’ Kaya natawa ako kasi parang casual lang sa kanila.

 “Kaya para akong nabunutan na ng tinik sa dibdib dahil alam na pala nila. Pero wala akong narinig na pagtatanong sa kanila. Ibang reaction kasi na ini-expect ko. Hindi ‘yung parang okay lang sa kanila,” sabay ngiti ni Mina.

Dagdag na kuwento ni Mina, nagtanong pa si Maverick tungkol kay BB.

 “Kasi nga napapanood niya si BB kasama si Zoren sa Enchanted Garden. Tinanong talaga ako ni Mavy ng ‘So, he was a boy before?’

 “Sumagot ako na ‘Yes’. Nagtanong ulit, ‘Now, he’s a girl?’

 “Yes na naman ang sagot ko. Tapos sabi niya, ‘Okay.’

 “‘Di ba? Parang wala lang sa kanila. Casual na casual lang,” sabay tawa ni Mrs. Legaspi.

Mapapanood na ang buong wedding nina Carmina at Zoren sa ABS-CBN ngayong Sabado pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya.

Cristina naka-move on na kay Ariel, magpoprodyus na lang uli ng TV show

Naka-move on na ang controversial businesswoman na si Cristina Castillo sa kanyang pakikipaghiwalay sa mister na si Ariel Villasanta.

Kakagaling nga lang sa Amerika ni Ms. Cristina dahil tumanggap siya ng award mula sa Gawad Amerika. Tinuloy na niya ang kanyang bakasyon doon. Nagawa na nga rin niyang magpapayat at masaya niyang ibinalita ang mga papasukin niyang business.

Bukod sa kanyang bagong furniture business na Muebles de Cristina at Picanti, magpo-produce na rin siya ng isang public service program sa GMA News TV na pangungunahan ni Atty. Percida Acosta.

Inamin ni Ms. Cristina na wala na siyang balita tungkol sa kanyang estranged husband na si Ariel. May nagsabi lang sa kanya na nag-soul searching daw ito sa Thailand kamakailan.

 

vuukle comment

ARIEL VILLASANTA

CARMINA

CARMINA VILLARROEL

CRISTINA

KAYA

LANG

LSQUO

MS. CRISTINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with