^

Punto Mo

Daldal ng Maisug pabor kay BBM

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

ANG katabilan ng dila nina Digong, Bebot Alvarez at Harry Roque ang nagpapahamak kay VP Sara at magiging kapartido nito. Baka sumunod sila sa noo’y “Otso Diretso sa Inidoro” at ang ipalit ay “Grupo Madaldal sa Imburnal”. Nakupo!

Maging ang Mindanao LGU officials at mga tauhan nito ay nauumay na rin sa mga pagpuna ni Digong sa ­administrasyon ni PBBM. Idagdag pa ang sinasabi nitong bangag at college undergraduate ang Presidente.

Pinagtatawanan na lang ng mga nakikinig dahil malamang na bawiin din nito ang idinaldal sa susunod na araw. Kapuna-puna talaga!

Nakakadama na rin ng awa kay PBBM ang mga datihang anti-Marcos group at nababaling ang galit sa grupo ni Digong. Simpatiya ng kalaban? Malaking bentahe ‘yan!

Dumaldal din si Bebot Alvarez para hikayatin ang AFP at PNP na mag-withdraw ng suporta sa kanilang Commander in Chief na si PBBM. Ang “cheap” mo rin Bebot. Masama ‘yan.

Tumamilmil sa pagdaldal si Harry mula nang gawing katatawanan ni Digong ang ibinunyag nitong gentleman’s agreement daw ng dating Presidente at ni Chinese leader Xi Jinping.

Nagtanong kasi si Digong ‘kilala n’yo ba si Roque?’—at ang kasunod ay ang impit na tawanan. Daldalerang Haribon daw kasi. ‘Yun na nga!

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with