^

Punto Mo

EDITORYAL - Lagdaan, batas na nagbubuwag sa Road Board

Pang-masa
EDITORYAL - Lagdaan, batas na nagbubuwag sa Road Board

NASA mesa na umano ni Pres. Rodrigo Duterte ang House Bill 7436 na nag-a-abolished sa maanomalyang Road Board. Kapag hindi ito nilagdaan ng Presidente sa loob ng 30 araw, mawawalan ng saysay ang panukalang batas. Nararapat na lagdaan na ito sa lalong madaling panahon para magkabisa at tuluyan nang mabuwag ang graft-ridden Road Board.

Maraming motorista ang masisiyahan kapag nalagdaan na ang batas. Malulusaw na rin sa wakas ang ahensiyang kumukolekta sa motor vehicle user’s charge (MVUC) na binabayaran ng motorista taun-taon kapag nagre-renew ng sasakyan.

Umali-ngasaw ang corruption sa Road Board noon pang 2017 at nalanghap ito ng Presidente kaya nakiusap sa Kongreso na buwagin ito. Nakiisa ang Senado kaya naging mabilis ang pasya para sa paglusaw sa maanomalyang ahensiya. Ayon sa report, mula 2001 hanggang May 2018, ang total collection mula sa MVUC ay umabot na sa P166.18 bilyon.

Sa ilalim ng HB 7436, ang pondo na makukuha sa MVUC ay ire-remit sa National Treasury sa ilalim ng special account sa General Fund. Ang pondo ay ekslusibong gagamitin lamang sa pagpapagawa, pagre-repair, pag-a-upgrade at pag-rehabilitate ng mga kalsada, tulay at drainage system. Makakasama ang pondo sa taunang General Appropriations Act.

Hindi nagagamit nang maayos ang pondo sa ilalim ng Road Board kaya minabuti ng Presidente na lusawin na ito. Noon pa, marami nang nababalita sa ahensiyang ito pero walang maglakas ng loob para halukayin ang katotohanan sa nalilikom na pondo.

Maraming motorista rin ang nagtatanong kung bakit sa kabila nang taun-taon na pagbabayad ng MVUC ay sira-sira pa rin ang mga kalsada at tulay. Bukod pa rito, marami rin ang walang sapat na signages o mga babala sa kalsada. Ang mga gilid ng bundok ay walang railings dahilan para mahulog ang mga pampasahero at pribadong sasakyan. Marami nang malalagim na pangyayari na ang pampasaherong bus ay nahuhulog sa bangin dahil sa kawalan ng barriers.

Lagdaan na ang HB 7436 para maimplement na ang mga pagbabago at mapondohan na ang pagpapagawa sa mga sirang kalsada, tulay, drainage at maski ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with