^

Sir Juan (102)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 23, 2016 - 9:00am

“AY joke lang po, Sir Juan, he-he!”’ Sabi ni Mahinhin makaraang sabihin nito na masarap ang pagkakahalik ni Sir Juan.

“Ibig mong sabihin hindi masarap ang pagkakahalik ko?’’

“Okey lang po Sir Juan. Tama lang po.’’

‘‘Pero drama lang yun ha? Baka isipin mo na totoo yun, Mahinhin.’’

‘‘Opo. Alam ko po na drama lang yun.’’

‘‘Kasi baka isipin mo na sinasamantala ko ang pagkakataon. Talagang arte lang yun, Mahinhin.’’

‘‘Opo Sir Juan.’’

‘‘Pero first time mo lang ba talaga na mahalikan sa labi ?’’

“Opo. Virgin pa po ang labi ko, he-he!’’

‘‘Virgin pa rin naman itong lips ko. Parehas pala tayo.’’

Nagtawa si Mahinhin. Itinakip ang kanang palad sa bibig.

‘‘Hindi ka naniniwala na virgin ang lips ko?’’

Nakatakip pa rin ang palad ni Mahinhin sa bibig. Tumango ito.

‘‘Bakit di ka naniniwala?’’

“Kasi po’y medyo may edad ka na. Sorry po pero parang mahirap paniwalaan na hindi ka pa nakakahalik.’’

“Totoong hindi pa ako nakakahalik. Ikaw ang una kong kiss, he-he-he!’’

Nakatitig si Mahinhin kay Sir Juan. At inalis lamang nang magsalita si Sir Juan.

‘‘Magkaganoon pa man, ang lahat nang nangyari ay drama lang. Huwag mong iisipin na nagti-take advantage ako, Mahinhin.’’

“Hindi po, Sir Juan.’’

“Salamat naman.’’

‘‘E kailan po natin uulitin ang paghahalikan?’’

‘‘Ha? A, e sasabihin k-ko sa’yo. B-baka sa makalawa. B-basta s-sasabihin ko sa’yo,’’ natatarantang sabi ni Sir Juan.

‘‘Sige po.’’

ISANG umaga, pumasok si Nectar sa kuwarto ni Mahinhin. Napansin niyang bukas ang pinto ng kuwarto nito kaya sinamantala niya ang pagkakataon. Hindi niya alam kung nasa loob si Mahinhin. Bahala na.

(Itutuloy)

ACIRC ANG JUAN KASI LANG MAHINHIN OPO OPO SIR JUAN PERO SIR SIR JUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with