^

Police Metro

El Niño humihina na – PAGASA

Angie dela Cruz - Pang-masa
El Niño humihina na � PAGASA
A farmer checks a portion of a dried rice field along Pulilan-Baliuag Bypass Road in Bulacan on February 26, 2024.
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Humihina na ang El Niño at posibleng magtapos na ang naturang weather phenomenon sa Hunyo.

“Nasa weak El Niño na po tayo at ine-expect natin na maaaring by June ay matapos na itong panahon ng El Niño,” sinabi ni PAGASA weather specialist Benison Estareja.

“‘Yung ating temperatures ay magiging normal o neutral na ulit,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, sinabi ni Estareja na posibleng maranasan pa ng mas matagal ngayong taon ang epekto ng El Niño dahil sa “lag effect.”

“Subalit mayroon tayong lag effect. So ibig sabihin niyan magkakaroon ng konting delay doon sa epekto ng El Niño. Maaaring magtagal pa rin ‘yung medyo kulang na ulan hanggang sa susunod na buwan,” aniya.

Samantala, inaasahan ang isa o dalawang bagyo na makaapekto sa bansa ngayong buwan.

“Base sa Climatology Division ng PAGASA, possible for this month ‘yung isa o dalawang bagyo,” ani Estareja.

vuukle comment

EL NIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with