Batay sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi sa runway ng Virac airport kung saan may kinukumpuni ang mga obrero sa lugar. File

Driver pisak sa payloader
Joy Cantos (Pang-masa) - March 3, 2018 - 12:01am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang truck driver na si Ramon Tapia matapos na mapisak ang katawan nang magulungan ng payloader na minamaneho ng kasama sa konstruksyon ng paliparan sa Virac, Catanduanes kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi sa runway ng Virac airport kung saan may kinukumpuni ang mga obrero sa lugar.

Habang minamaniobra ng payloader driver na si Ernie Pardo ang behikulo ay hindi nito napansin ang biktima na nagkataong nakatayo sa tabi ng naturang heavy equiptment.

Laking gulat ni Pardo nang biglang may kumalabog at paglingon ay nagulat na napisak ng kaniyang minamaniobrang payloader si Tapia.

Pansamantalang ipinatigil ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang konstruksyon sa nasabing paliparan upang bigyan daan muna ang imbestigasyon.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with