^

Curry magbabalik sa aksyon

(Pang-masa) - March 6, 2020 - 12:00am

SAN FRANCISCO — Pinayagan na si Stephen Curry na maglaro matapos ang apat na buwan bu­nga ng kanyang naba­ling kaliwang kamay.

Nakatakda siyang su­­mabak sa aksyon sa pag­sagupa ng Golden State Warriors kontra sa Toronto Raptors ngayon.

Inihayag kahapon ng Warriors na isasama ang pangalan ni Curry sa lineup sa rematch ng nakaraang NBA Finals na na­ipanalo ng Raptors sa anim na lalro.

Hindi nakita ang two-time NBA MVP sa 58 games matapos ang kan­yang left hand injury no­ong Oktubre 30 laban sa Phoenix Suns.

Noong Lunes ay na­kipag-ensayo si Curry sa kanilang G-League team na Santa Cruz Warriors para paghandaan ang kan­yang pagbabalik at tulungan ang Golden State.

CURRY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with