Garcia, Potts sa Phoenix na
JBulanday (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagong conference, bagong koponan para kina RR Garcia at Davon Potts.

Ito ay matapos silang mapadpad sa Phoenix Fuel Masters bago ang pagsisimula ng 2019 PBA Governors’ Cup ngayong Biyernes sa Mall of Asia Arena.

Inanunsyo ng koponan ang pagsikwat nila sa dalawang manla-laro kamakalawa upang palakasin ang kanilang backcourt papasok sa season-ending conference na maganda ang kanilang naging kampanya noong nakaraang taon.

Ang Phoenix na ang magiging ikaanim na team ni RR Garcia simu-la nang mapili bilang sixth overall pick ng Globalport noong 2013 PBA Rookie Draft.

Naglaro din siya sa Barako, Star (Magnolia), San Miguel at Talk ‘N Text.

Si Potts naman na 18th overall pick noong 2017 ay nagkaroon din ng bagong team matapos bigong makakuha ng contract extension sa Alaska.

Sasamahan nina Garcia at Potts ang backourt ng Phoenix na binubuo nina LA Revilla, RJ Jazul at Alex Mallari.

Inaasahan ang mala-king tulong ng dalawang manlalaro lalo’t posibleng sasabak pa rin ang Phoenix na wala ang pambatong si Calvin Abueva na nasa ilalim pa rin ng indefinite suspension ng PBA.

Kasama ang import na si Eugene Phelps, bubuksan ng Fuel Masters ang kampanya nito kontra sa NLEX sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

DAVON POTTS PBA RR GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with