_pang-masa
^

SMBeer kumatok sa finals

Russell Cadayona (Pang-masa) - January 13, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Mula sa dalawang sunod na kabiguan ay nakabangon ang Beermen para lumapit sa kanilang ika-36 finals appearance.

At kahapon ay mu-ling tinalo ng nagdedepensang San Miguel ang karibal na Rain or Shine, 103-94 sa Game Five ng kanilang semifinals series para sa 2016 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kinuha ng Beermen ang 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven semifinals showdown ng Elasto Painters buhat sa 1-2 deficit sa serye para maklapit sa kanilang ikatlong finals stint sa huling apat na komperensya pakay ang pang-22 korona.

Ang mananalo sa pagitan ng San Miguel at Rain or Shine ang sasagupa sa naghihintay nang Alaska sa best-of-seven championship wars.

“Para sa akin, gusto ko nang matapos ito sa Friday (bukas),” sabi ni Arwind Santos, tumapos na may 12 points, 5 rebounds at 3 blocks.

Nauna nang tinapos ng Aces ang kanilang semifinals duel ng Globalport Batang Pier sa 4-1 para umabante sa ika-29 finals appearance at hangad ang pang-15 korona.

Mula sa 72-68 abante sa third period ay nakalayo ang Beermen sa 86-74 sa 8:04 minuto ng fourth quarter hanggang ibaon ang Elasto Painters sa 92-76 kalamangan sa 6:44 minuto nito.

Tuluyan nang sinel-yuhan ni Marcio Lassiter ang panalo ng San Miguel galing sa kanyang follow-up para sa kanilang 99-85 bentahe sa huling 3:34 minuto.

SAN MIGUEL 103 – Fajardo 27, Cabagnot 14, Lassiter 12, Santos 12, Espinas 9, Ross 9, Tubid 9, Arana 8, Lutz 3, Reyes 0.

RAIN OR SHINE 94 – Quinahan 20, Chan 15, Cruz 13, Ponferada 13, Belga 9, Norwood 8, Lee 7, Ahanmisi 5, Tiu 4, Teng 0, Trollano 0.

Quarterscores: 17-13, 50-45, 72-68, 103-94.

ANG ARWIND SANTOS BEERMEN ELASTO PAINTERS GAME FIVE GLOBALPORT BATANG PIER MARCIO LASSITER MULA PHILIPPINE CUP SAN MIGUEL SMART ARANETA COLISEUM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with