_pang-masa
^

PM Sports

PBA player isinusuka ng mga teammates niya

WHETHER YOU LIKE IT OR NAP - Nap Gutierrez - Pang-masa

Ready na ang Ateneo at San Beda para sa Final 4 ng PCCL.

Ready na rin ang UST.

Tingnan natin kung sino ang pinakamagaling sa lahat ng champions.

***

Isinusuka ng mga teammates niya ang isang PBA player. As in iba raw kasi talaga siyang umasta.

Sobrang yabang, sobrang hangin. Ang hirap daw kontrolin ang kayabangan ng player na ito.

Wish nila, mai-trade na siya as soon as possible.

Noon ay gusto rin siya ng may-ari ng team, nga-yon ay hindi na.

Nung marinig kamakailan ng mga players na ite-trade na siya, nagpalakpakan ang mga players.

Pero naunsyami ito at hindi natuloy.

***

Hindi pa rin pala siguradong makakalaro sa Ateneo team ang MVP junior player na si Jeri Pingoy ng FEU.

Mukhang hindi papayag ang FEU na makawala pa sa kanila si Pingoy.

Sabi ng tatay niya na isang dating PBA player, sa Ateneo raw talaga gustong maglaro ni Pingoy.

Mahihirapan silang basta na lang makawala dahil sabi ng FEU, hahabulin nila ang kanilang star junior player.

***

Malapit na naman ang laban ni Manny Pacquiao.

Last episode na ng Many Manny Prizes sa GMA 7 ngayong first week of December.

Magpapaalam na sila sa ere.

Pero dahil nasa Amerika si Pacman at nagte-training, wala siya sa kanilang farewell episode.

***

Wala na si Richard del Rosario sa College of St. Benilde. Hindi na rin niya siguro kinaya ang ginagawang hindi maganda ng ilan sa kanyang mga player.

Alam n’yo na kung ano ‘yun....

 

ALAM ATENEO COLLEGE OF ST. BENILDE JERI PINGOY MANY MANNY PRIZES PERO PINGOY SAN BEDA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with