Walang Hinihinging Kapalit
Dear Vanezza,
Isang taon na lang ay magtatapos na ako ng nursing sa college. Pero wala kaming pera nina nanay at tatay. Bale ang tito ko ang nagpapaaral sa akin. Ang hiling lang ng tito ko ay magsimba ako sa Christian church nila. Kaso wala akong ka-vibes sa church nila at nahihiya rin akong umatend. Pero sabi ni nanay ay subukan ko raw at sumunod ako sa tito ko na wala namang hinihinging kapalit kundi ang magsimba ako. – Miguel
Dear Miguel,
Wala naman sigurong masamang intensiyon ang tito mo na magpalit ka ng relihiyon. Nagyaya lang siyang makinig ka sa kanilang simbahan. Tiyak ang hangad nito ay mapabuti ka sa iyong buhay. Kung pumapayag ang nanay mo ay walang masama na subukan mong umatend ng isang beses para pagbigyan ang tito mo na nagpapaaral sa iyo. Huwag mo munang isipin na walang kang ka-vibes tiyak na may makikilala ka kapag pumunta ka sa kanilang church.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest