Iniwan ng asawa
Dear Vanezza,
Ako’y 51 anyos na. Sampung taon na mula ng iwan ako ng aking asawa na isang seaman. Noong una’y walang problema. Panay ang tawagan namin, chat, email. Pero nahinto yun. Pati ang remitance ng pera ay natigil. Isang taon akong lost contact sa kanya. Nang mag-inquire ako sa kumpanya niya, nalaman ko na hindi na siya konektado doon. Sabi ng aking kaibigan baka nag-jump ship siya at lumipat sa ibang kumÂpanya na hindi ko nalalaman. Ngayon ay mag-isa kong itinaguyod ang aming nag-iisang anak na nag-aaral na sa college. Gusto ko lang itanong sa iyo kung puwede na akong mag-entertain ng manliligaw at mag-asawang muli? May mga manliligaw ako ngayon pero hindi ko sila pinapansin.
Sagot:
Sa tingin ko ay daraan ka pa sa proseso para maideklara na ikaw ay malaya na at puwedeng mag-asawang muli. Sa bagay na yan ay dapat kang sumangguni sa abogado. Karapatan mong lumigaya muli, subalit maging maingat ka lang dahil sa edad mo ay baka isang mapagsamantala lang ang makukuha mo at magsisisi ka lang.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest




















