^

Pang Movies

‘Back Story’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
�Back Story�
Betty Go

Dahil 37th anniversary ng Pilipino Star NGAYON (PSN) na sister publication ng Pang Masa (PM) nabuhay sa alaala ko si Ma’am Betty Go Belmonte na mother nila Papa Miguel, Isaac, Kevin at Mayor Joy Belmonte.

Talagang journalist by heart si Mama Betty dahil aside from being a columnist nun, siya rin ang tumutulong kay Papa Andrew Go sa pagma-manage ng Star Publishing company. Favorite writer niya si Douglas Quijano, at ako naman ay Yaya Maruya ng mga anak niya pag kasama niya ang mga ito sa office.

Katuwa na mayroon kaming ‘back story’ ni Papa Miguel na ang bait-bait kahit noong bata pa siya. Ililibot ko silang magkapatid sa Ermita habang ginagawa ni Mama Betty ang kanyang column. Ibibili ko sila ng banana cue at dirty ice cream, ha, ha, ha.

At tatakutin ako nila Ricky Lo at Douglas Quijano na pag nalaman ni Mama Betty magagalit, dahil street food ang binibigay ko sa magkapatid.

Bongga ‘di ba, ngayon Big Boss ko na si Papa Miguel, at talagang solid Belmonte ako dahil kay Mayor Joy Belmonte lang ang boto ko kahit ano pa takbuhan niyang political position.

Nakita ko ang kabaitan ng mga Belmonte, ang pagiging fair at honest sa anumang dealing nila.

Congratulations PSN. Mabuhay kayong lahat. Salamat Papa Miguel.

vuukle comment

BETTY GO BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with