^

Pang Movies

After 20 years... Claudine, napatawad na ng nanay ni Rico  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
After 20 years... Claudine, napatawad na ng nanay ni Rico             

Kasama ng ermat ng dating boyfriend na si Rico Yan, na namatay 20 years ago, ni Claudine Barretto sa paggunita sa kamata­yan ng nasirang actor. Bagama’t maraming pagkakataon nang nabalita na dumadalaw si Claudine sa libingan ni Rico, at marami na rin siyang social media posts tungkol sa kanilang nakaraan, pati na nga ang ilang naitago niyang love letters ng actor, ngayon lang siya nakasama ng pamilya nito.

Natagpuan na walang buhay sa isang resort sa Palawan si Rico noon. Biyernes Santo iyon ng umaga. Agad na inilipad pabalik sa Maynila ang kanyang bangkay pero wala na halos kaming narinig na report sa autopsy na ginawa sa PNP Crime lab sa Crame. Mabilis ang kilos ng lahat. Ang chief PNP noon na si Gen. Edgardo Aglipay ay tiyuhin ni Rico.

Ang kasunod noon ay ang mahabang pila ng fans na gustong makiramay sa pagyao ng actor, ang kanyang mga labi ay inilagak sa chapel ng La Salle Greenhills. Kahit split na sila noon at syota na niya si Raymart Santiago, nagtungo pa rin si Claudine sa burol ni Rico, pero very obvious na matabang ang pakikitungo sa kanya ng mga nakikiramay noon. Ang tsismis nga noon, na ewan namin kung totoo, ni hindi siya nakalapit sa bangkay ni Rico. Marami ang galit noon kay Claudine at sinasabing siya ang dahilan ng depression ni Rico.

Matagal naging usap-usapan iyon. Hanggang mag-asawa na nga si Claudine at nagkaroon ng isang anak kay Raymart. Noong magkahiwalay na sina Claudine at Raymart, noon muling lumabas ang mga usapan at inaamin naman ni Claudine na “mahal pa rin niya si Rico.”

 Pero maliwanag na kung ano man ang samaan ng loob noong araw ay nalimot na, at na-realize nilang pare-pareho naman silang nagmamahal kay Rico.

Ang mga tanungan nga ngayon, ano kaya ang kanilang naging buhay kung ‘di hindi nag-split at naging tunay na mag-asawa nga sina Claudine at Rico. Mahihiwalay rin kaya si Claudine sa asawa?

Atty. Panelo, pinatunayang may permiso sa Sana’y…

Ilang araw na rin naming naririnig ang tsismis, at ang akala namin ay fake news lang. Alam naman ninyo sa social media mahigit 80% fake news. Hanggang noong isang araw nga, may nagsabi sa amin na si Atty. Salvador Panelo ay nasa Viva Recording Studios doon sa Scout Madrinan, at ire-record na niya ang “kanyang unang single” sa gagawin niyang album sa ilalim ng Viva Records, at ang kanta ay Sana’y Wala Nang Wakas. Bale si Panelo ang second male artist na kumanta ng kantang iyan ni Willy Cruz. Nai-record na rin ‘yan ni Jun Polistico, bukod nga sa naunang recording na ginamit na theme song sa isang pelikula noon ng Viva.

Kinanta na rin iyan ni Jessa Zaragoza na ginamit namang theme song ng isang TV series na ganoon din ang title.

Ngayon hindi masasabing “presumed” lang ang pagbibigay ng permiso ng Viva na siyang music publisher at may recording rights ng komposisyon ni Willy Cruz kay Atty. Panelo na kantahin iyon. Talaga palang may permiso. Ang Viva kasi ang may karapatan sa kanta, at hindi ang sino mang kumanta lang nito. Iyan ay isang commissioned work, ipinagawa ng Viva para maging original theme song ng kanilang pelikula, bagama’t sa ilalim ng umiiral na batas, ang PD49, iyon ay nananatilng intellectual property ni Willy Cruz na protektado hanggang 50 years matapos na siya ay yumao. Tapos ang kanta ay ituturing na ngang “public domain.”

Album daw iyan eh, ano pa kayang mga kanta siguro ni George Canseco, at ni Rey Valera ang maaaring kantahin ni Atty. Sal Panelo? Maganda iyan ha, pag-alis niya sa Malacañang sa Hunyo, may bago na siyang career.

Baguhang aktor, diring-diri sa mga bading na foreigner

Disgusted ang isang male newcomer, na gu­magawa na rin pala ng gay video features ngayon na pang-internet.

Tumambay siya sa isang resort na ang talagang pakay niya ay may makilalang mga pogi, kasi nga kung gabi ay humahaba na rin ang kanyang buhok na kulay green, na kailangan pa niyang ipusod. Kaso, dahil pogi rin naman, ang lumalapit sa kanya ay foreigners na gay. Ayun disgusted siya.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with