^

Pang Movies

Tali, certified recording artist na!

Gorgy Rula - Pang-masa
Tali, certified recording artist na!

MANILA, Philippines — Sa murang edad ng anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Talitha ay na-experience na niyang maging recording artist.

Kasama ang bagets sa Christmas jingle ng Eat Bulaga na Para­ting Na Ang Pasko na ini-launch nila nung nakaraang Sabado.

Talagang may sariling linya roon si Tali na ini-record niya sa studio ng Eat Bulaga.

“Sandali lang naman siyang nag-record, kuya. Wala pang 10 minutes. Sobrang saya niya,” text sa akin ni Pauleen.

Noon pa man ay kinukuwento na sa amin ni Bossing Vic kung gaano raw talaga kahilig kumanta ni Tali. Mula umaga raw hanggang gabi ay keri niyang kumanta na lang nang kumanta. Ang bilis pa raw niyang mag-pick up ng kanta, na nakabisado niya agad.

Nasa dugo naman kasi niya ang mga mang-aawit kaya hindi malayong maging magaling na singer din si Tali.

Juliever, dumarami ang shippers!

Lalong dumarami pala ang JulieVer fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, dahil nakikita naman kasi ang chemistry nila tuwing nagsasama sila bilang host sa The Clash.

Natatawa na lang nga si Julie kapag natutukso silang dalawa sa The Clash dahil may mga pakilig din sila roon kahit alam naman ng lahat na committed sila sa iba.

“’Pag sa The Clash ganun…” sagot sa akin ni Julie Anne nang tinanong ko kung natutukso ba sila ni Rayver.

Hindi naman daw siya nao-awkward dahil matagal na rin naman silang magkaibigan ni Rayver at komportable na siya sa Kapuso actor. “Wala naman talaga dapat na awkwardness, kasi we’re more than a tandem than a love team.

“Saka talagang comfortable lang talaga kami sa isa’t isa and ‘yun naman talaga ang isa sa factors para magkaroon ng chemistry ang isang team-up,” pahayag pa ni Julie Anne nang makatsikahan namin sa nakaraang virtual mediacon ng musical Trilogy niyang Limitless.

Ito ang pangalawang episode ng Limitless na pinamagatang Heal.

Si Rayver ang isa sa special guests niya na kinunan pa ang production number nila sa Siquijor.  Sa Nov. 20 na ang Heal ng Limitless concert ni Julie Anne.

Sa mga gustong bumili ng tickets, puwede n’yong i-check sa www.GMANetwork.com/synergy.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with