^

Pang Movies

Virtual interview sa mga celeb, maraming nadidiskubre!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang gandang makita sa mga virtual presscon o interview mga bahay ng mga celebrity ngayon. Siyempre naman aayusin nilang mabuti ang background dahil alam nila na babad doon ang camera, pero mapi-feel mo talaga ‘yung konting glimpse sa personality ng pinapanood mo ang background sa likod niya.

Merong tinatambakan ng painting ang background, merong naglalagay ng mga bulaklak, ‘yung iba ang collection ng books ang inilalagay, ‘yung iba tambak na trophy. ‘Pag kitchen naman ang piniling background, makikita mo ‘yung mamahaling collection ng plates at kaldero, magandang oven at cabinets.

Alam mo agad kung simpleng mamuhay ang tao, kung gaano kalaki at kabongga ang bahay sa mga gamit sa background.

Mapapansin mo rin kung paano ang living condition noong tao dahil doon.

Misis ng sikat na basketbolista, maraming inutangan!

Palibhasa ang popularity ng mga basketball players parang mga movie stars na rin kaya dapat talaga ingatan nila ang kanilang image. Tiyak na magiging malaking batik sa pangalan ng basketball star iyon paglabas ng issue na may malaking halaga na hiniram ang misis niya na hindi nabayaran.

Tiyak na magiging tanungan kung saan napunta o ginasta ang nasabing halaga ng misis ng basketbolista. Hindi ba man lang naisip ng basketball star na may problema kinahaharap ang kanyang asawa?

Hindi man lang ba niya na-feel? At bakit nakahiram ng ganun kalaki? Hindi naman nabalitang may bisyo si misis. Hindi kaya sa sobrang gastos ng basketball player at hindi man lang niya naisip na over sa kinikita niya ang gastos nila?

Kawawa naman kasi si misis kung siya lang ang parang lumalabas na may kasalanan. Siguro nga sa sobrang pagmamahal niya hindi niya nabigyan-pansin na lumulubog na pala siya sa utang.

Ngayon paano niya ito haharapin, paano niya bibigyan ng solusyon.

Dapat lang tulungan siya ng basketball player, dapat lang suportahan siya sa gipit na napasok niya.

Ang naging kasalanan lang ni misis lahat ng gusto ni basketball star binili niya na over naman sa kinikita nito.

At hindi man lang iyon napansin ng asawa.

Now is the time na dapat bigyan niya ng lakas ng loob si misis at suportahan niya sa problema na haharapin nito. Please lang, last two minutes na, i-shoot mo na ang bola, gawing three points para maayos ang problema.

vuukle comment

CELEBRITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with