^

Pang Movies

JC mas na-appreciate ang pagiging asawa at ama

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
JC mas na-appreciate ang pagiging asawa at ama
JC and Family

Hindi ikinakaila ng first time dad na si JC Santos na kumpleto na umano ang kanyang buhay dahil sa pagdating ng kanyang wife, ang kanyang teen-crush na isang registered nurse and chef na si Shyleena Herrera na kanyang pinakasalan in September 2019 at ang kanilang first born na si River Aletheia na isinilang early this year.

Despite the lockdown, aminado si JC na lalo niyang na-appreciate ang buhay may asawa dahil kasama niya ang kanyang misis at anak na si Baby River 24/7 at nasusubaybayan niya ang mga bagong development nito sa pagdaan ng mga araw.

Habang hindi pa siya nagsisimula sa bago niyang proyekto dahil sa community quarantine, ginugugol muna ni JC ang kanyang oras sa kanyang bagong duty bilang husband to Shyleena and father to Baby River na sobra niyang tini-treasure ngayon.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay na-appreciate ng singer-actor ang Father’s Day celebration kahapon, araw ng linggo, June 21 dahil isa na siyang certified father ngayon.

Bukod kay JC, ang iba pang celebrity first time dads include Argentinian husband of Solenn Heussaff na si Nico Bolzico, ang Fil-French husband chef and restaurateur na mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff, ang singer-actor na si Pepe Herrera, ang actor na si Baron Geisler, ang ex-PBB housemate engineer na si Slater Young at iba pa.

Gretchen burado na sa lovelife ni Mayor Vico

Ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo ang bagong babaeng iniuugnay sa guwapo at binatang mayor ng Pasig City na si Vico Sotto, anak ng veteran TV host-actor-comedian and producer na si Vic Sotto at veteran actress na si Coney Reyes.

Sina Mayor Vico at Bea ay personal na nagkita at nagkakilala nang ihatid ng actress at ng kanyang mga kasama sa I Am Hope Foundation ang kanilang tulong sa mga Pasigueño. Bukod kay Mayor Vico, naroon din ang kinatawan ng Pasig na si Rep. Roman Romulo, ang mister ni Shalani Soledad.

Inili-link si Mayor Vico sa ex-girlfriend ng ex-PBB housemate-turned TV host na si Robi Domingo, ang dating volleyball star-turned TV host na si Gretchen Ho matapos makita ang dalawa na magkatabi sa panonood ng volleyball games sa PhilSports Arena (in Pasig na nasasakupan ng batang mayor) ng South East Asian Games na ginanap sa Pilipinas last December 2019. Nasundan ang kilig ng fans nang mag-like si Mayor Vico sa isang post ni Gretchen matapos itong magbigay ng dalawang bicycle sa isang lady guard at isang namamasukan sa isang supermarket. Ngayon naman ay nabaling ang attention ng followers ni Mayor Vico sa actress na si Bea matapos magkita ang dalawa last weekend.

Debut ng anak nina Sylvia at Art, hanggang sa bahay lang

Kung may isang advantage ang ipinaiiral na community quarantine sa maraming lugar, nagpapasalamat ang maraming celebrity couples na mas nagkaroon sila ng mahabang oras to be with their children and family.

Ang COVID-19 survivors couple na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde ay lalong pinahalagahan ang kanilang pamilya at mga anak sa gitna ng pandemya ngayong mas may oras sila for their bonding moment.

Over the weekend sama-sama ang buong pamilya sa pagsi-celebrate ng ika-18th birthday ng kanilang ikatlong anak na si Gela Atayde.  Hindi man siya nakaranas ng bonggang debut party dahil sa pandemya, masayang-masaya siya dahil kumpleto ang kanyang pamilya. Bukod sa kanyang parents na sina Sylvia at Art, naroon din ang iba niyang mga kapatid na sina Arjo, Ria at Xavi kasama ang kanilang mga kasambahay. Simple pero masayang nairaos ang kaarawan ni Gela.

vuukle comment

JC SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with