^

Pang Movies

Julianna lumaking may normalcy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Julianna lumaking may normalcy
Julianna

Habang lumalaki ay lalong guma­ganda ang ang anak nila Richard Gomez at Lucy Torres na si Julianna at athletic pa dahil member ng UP volleyball team.

Sure ako na masakit na ang ulo nila Richard at Lucy sa rami nang gustong lumigaw kay Julianna.

Kung buhay si Douglas Quijano, sigurado ako ito ang number one na nakabantay sa dalaga, dahil baby niya ito.

Pero sure ako na proud na proud siya sa achievement nito ngayon.

Maganda ang naging pagpapalaki nina Richard at Lucy sa nag-iisang anak, may semblance ng normalcy kahit pa nga parehong celebrity ang mga parent.

Lumaking nasa tamang alaga at gabay kaya naman prize catch talaga ang sinumang magiging boyfriend ni Julianna.

How I wish makita ko pa ang wedding niya, for sure it will be a great event dahil nga siya ang pinaka-precious gem nila Ri­chard at Lucy. Pero don’t rush Julianna, take your time.

Frankie matapang...

Bongga ang mga kabataan natin ngayon Salve ha. Like si Frankie Pangilinan na anak nila Sharon at Kiko Pangilinan.

Wow, ang mga dialogue nila ni Ben Tulfo tungkol sa issue ng rape. Magaling na open ang pagsali ng mga youngster ngayon sa mga relevant issues, patunay na nasusundan nila ang mga nangyayari sa paligid. Nasasabi nila ang nasa loob nila, open sila sa discussion, pero sana alam din nila ang mga parameter, mga bagay na dapat muna nila araling mabuti bago makipag-sagutan.

Puwedeng hindi kayo pareho ng idea, puwede hindi mo gawin, pero dapat lang irespeto mo iyon sinasabi ng mas matanda sa iyo. Hindi rin maganda na masyado kang open sa diskusyon kasi nga sabi nila, hindi pa rin puwedeng tawaran ang wisdom ng mas matanda sa iyo.

vuukle comment

JULIANNA GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with