^

Pang Movies

MMFF hinihiritang ibigay na sa taga-movie industry?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
MMFF hinihiritang ibigay na sa taga-movie industry?!

Ano kaya ang problema sa walong entries sa 2019 Metro Manila Film Festival?

Hindi man official ang figures ng naglabasang kinita ng Top 4 grossing films, malayo ang agwat ng Top 2 movies sa kasunod na number 3 and 4, huh!

Dahil marahil pareho itong action comedy, huh!

‘Yung number 5 and 6 movies, malayo rin ang agwat sa number 3 and 4 at ‘yung number 7 and 8, malayo rin sa box-office gross.

Gaya ng napabalita, tinalo ng movie ni Aga Muhlach ang entry nina Vice Ganda at Anne Curtis pero hindi rin magkalayo ang agwat ng kita nito.

Ang dinig naming pinakakawawa ay ang number 8 sa ranking.

Wala pa raw P2-M ang gross nito as of this writing.

Ibig kayang sabihin, magbabalasahan na rin ng bumubuo ng Selection Committee? Passable ang MMFF Jurors sa Gabi ng Parangal pero ‘yung sa selection committee, sablay ang ilang choices nila.

Kaya naman bigong ma-achieve na P1B gross ngayong 2019 MMFF, huh!

Naku, gawin na ‘yan sa Summer Film Festival this year para mabago naman ang taste at hindi ‘yung pare-pareho na ang konsepto, wala ring pinagbago pagdating sa mga artistang napapanood, huh!

Ibigay na kasi ito sa taga-movie industry ang pamamahala, ‘no?

Anong say kaya ni Film Development Council Chairwoman, Liza Diño-Esguerra? Kung kaya ng FDCP ang Pista ng Pelikulang Pilipino, bakit naman hindi ang Summer Film Festival, huh!

vuukle comment

LIZA DIñO-ESGUERRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with