^

Pang Movies

Fans ni Alden affected kay Lisa, Lee Seung-Gi may Bonding sa Pinoy Fans

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Fans ni Alden affected kay Lisa, Lee Seung-Gi may Bonding sa Pinoy Fans

Wow affected much ang fans ni Alden Richards sa isyung ‘tinamaan’ siya kay Blackpink Lisa.

As in nagwawala ang ibang fans sa Twitter at nagmumura pa. As if naman puwede nilang pigilan ang nararamdamang paghanga ng actor sa Korean pop superstar na pinaka-maganda at popular sa grupong Blackpink. 

The other day nga kasi ay nag-post si Alden ng “Yung tinitingnan mo lang siya sa malayo...” at naka-tagged si Blackpink Lisa.

Pero kung maraming nagagalit dahil bulag-bulagan sila sa realidad na may Arjo Atayde na si Maine Mendoza at hindi na sila puwedeng ‘magkatuluyan’, marami namang natutuwa rin.

Binibigyan nila ng pag-asa si Alden na in God’s perfect time ay makikita rin nila si Lisa.

Well, goodluck to Alden kung magkakaroon nga siya ng pagkakataong makita si Lisa o makilala man lang ng personal.

Panahon na para naman maglabas siya ng paghanga.

Well, hindi lang naman si Alden ang ‘in love’ sa K pop.

Maraming Pinoy ang adik na adik ngayon sa K drama / pop. Kaya naman walang puknat ang pagbisita sa bansa ng mga Korean actor / star para mag-fan meeting.

Ngayong gabi magaganap ang Vagabond Voyage fan meet ng Korean actor na si Lee Seung-gi na production of ABS-CBN Events and CDM Entertainment, 6pm at the New Frontier Theatre.

Tulad sa mga naunang fan meeting ng mga sikat na Korean star, sold out na diumano ang Vagabond Voyage sa bansa. First time ni Lee Seung-gi na magkakaroon ng fan meeting sa Manila na kasalukuyang super hit ang drama / action series niya sa Netflix na Vagabond.

After niya ay marami pang kasunod na Korean actor naka-schedule dumating sa bansa para mag-fan meeting.

vuukle comment

BLACKPINK LISA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with