^

Pang Movies

Janine at Rayver nagliliwaliw sa Europe pero ayaw pa ring umamin

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Janine at Rayver nagliliwaliw sa Europe pero ayaw pa ring umamin

Time out muna sa busy schedules sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz na kasalukuyang nasa Paris ngayon. Sinamahan ni Rayver si Janine na naimbitahan para sa Paris Fashion Week. Nauna rito, nag-muse muna si Janine sa mga Kapuso stars na naglaro ng basketball sa Summer Kapuso Festival: Palarong Pinoy 2019 sa Al Quwain, United Arab Emirates.

Bago tumuloy ng Paris, nag-tour muna sina Janine at Rayver sa Rome, sa Vatican, at sa iba’t ibang lugar doon. Hindi pa rin nagpo-post ng photo na magkasama ang dalawa. Kahit iisa ang lugar na pinuntahan nila, solo-solo pa rin ang post nila, like sa Colosseo in Rome, pareho lamang ang shot nila pero separate pa rin ang post. 

Sa isang IG story ni Janine, sa rami ng naka-post niyang photos, na kuha ni Rayver, isa lamang iyong nakitang magkasama sila, pero magkahiwalay pa rin ang post.

Iyon lamang ang maganda kahit may mga ginagawa silang shows, puwede naman silang mag-time out dahil taped na ang shows nila at nakakagawa sila ng schedule na puwede silang umalis na hindi maaapektuhan ang kani-kanilang trabaho.

Like si Rayver, may daily teleserye siya, ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko with Megan Young at Kris Bernal at every Saturday at Sunday, ay napapanood naman siya sa The Clash na sila ni Julie Anne San Jose ang mga ClashMasters pero hindi napapansin na wala sila.

Hanggang kailan kaya sila sa Paris, dahil sa Wednesday, October 2 ay birthday ni Janine at gusto raw sorpresahin ni Rayver si Janine.

Kung hindi kami nagkakamali, second year na ito na magkasamang magsi-celebrate ng birthday   si Janine na kasama si Rayver. Wish ng fans nila, umamin na sila sa tunay nilang relasyon, bilang birthday gift ni Janine sa kanila.

Joyce masaya sa bagong project sa GMA

Masayang-masaya si Joyce Ching nang makausap sa mediacon ng bago niyang romantic-comedy series na One of the Baes. Masaya ba siya dahil malapit na ang wedding nila ng non-showbiz boyfriend na si Kevin Alimon?

“Bukod po sa nalalapit na wedding namin ni Kevin, masaya ako na may bago ulit akong project sa GMA,” nakangiting sagot ni Joyce. “Akala ko po kasi, wala na akong gagawing bagong project dahil katatapos ko lamang ng Dragon Lady, pero para pong wedding gift sa amin ng GMA. At maganda itong bago naming project dahil light lang ito at iba naman ang tema, offering po namin sa ating mga seafarers, na tinawag nilang millennial fairytale na pagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela. 

“Naiiba rin po sa akin ito dahil produced ito ng GMA News and Public Affairs.”

Anyways, ang Christian garden wedding nina Joyce at Kevin ay magaganap sa December 8, sa Baguio City at ilan sa mga sponsor nila sa GMA Network ay sina Ms. Annette Gozon-Valdes, Joey Abacan, Vic del Rosario of GMA Artist Center at si Director Gina Alajar.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with