^

Pang Movies

Pelikula ni Bitoy iniyakan, tinawanan at pinalakpakan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Pelikula ni Bitoy iniyakan, tinawanan at pinalakpakan!
Dawn, Bitoy

Dinumog ang pink carpet premiere night ng Family History, ang first movie na dinirek ni actor-comedian Michael V.  Si Bitoy din, as he is fondly called, ang scriptwriter, producer at actor ng co-production venture ng GMA Pictures at ng Mic Test Entertainment ni Bitoy at wife niyang si Carol Bunagan.

Maaga pa ay duma­ting na ang cast at mga kasamahang Kapuso ar­tists ni Bitoy sa Cinema 3 ng SM Megamall bilang pagsuporta sa kanya at sa movie. Ilan sa mga dumating ay sina Alden Richards, sweethearts Barbie Forteza at Jak Roberto, Diana Zubiri with husband Andy Smith, comedy team nina Boobay at Tekla, Ronnie and wife Ida Henares, Dingdong, Jessa and daughter Jayda Avanzado, tween actress Therese Malvar, Thea Tolentino at mga ka-Bubble Gang na sina Kim Domingo, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Betong Sumaya, Ashley Rivera, Analyn Barro at Maureen Larrazabal. Dumalo rin ang Final 11 ng reality-artista search na StarStruck 7.

SRO ang Cinema 3 at ang sarap pakinggan ang tawanan at palakpakan, at may mga umiyak din sa eksena. 

Ang Family History ay magpapakita sa mga manonood ng isang magandang love story, ang pagmamahal sa pamilya at ang suporta ng mga kaibigan sa oras ng pangangailangan. Graded B ang movie ng Cinema Evaluation Board (CEB) at PG Rating naman ang ibinigay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Showing na ito in cinemas nationwide.

Gerald umamin na kay Dennis?!

Umamin nga ba si Gerald Anderson sa ama ni Julia Barretto, ang actor na si Dennis Padilla, na nililigawan nga niya ang anak nito at break na sila ni Bea Alonzo? Nag-worry daw kasi si Dennis sa mga nababasa niyang comments against sa anak na siya raw ang dahilan ng break-up nina Bea at Gerald, kaya tinawagan niya sa telepono si Gerald at hindi nga raw nagkaila ang Kapamilya actor. 

Ang hinihintay ngayon ng netizens ay kung itutuloy pa raw ni Marjorie Barretto ang sabing ide-demanda ang fan na nag-post ng picture nina Julia at Gerald na magkasama sa birthday ni Rayver Cruz, ngayong umamin na si Gerald.

Andrea walang time sa pakikipag-date

Hindi na pala nakakalabas ngayon si Andrea Torres para makipag-date dahil sa pagti-taping niya ng primetime sexy drama series niyang The Better Woman. Bukod sa malayo ang location ng taping nila, sa Laiya, San Juan, Batangas, natsa-challenge siya sa kambal role niya bilang ang mabait na si Jasmine at ang palaban na si Juliet.

“Medyo mahirap po kasi kailangang laging proper ang paghahanda ko sa eksena lalo na kung magkasama sila sa isang frame, iyong isang simple wife na si Jasmine at ang palaban niyang ate, si Juliet,” natatawang wika ni Andrea.  “Pero masaya rin, dahil kung madalas akong umiiyak bilang si Jasmine, nakakabawi naman ako kapag nagtataray na si Juliet, na mas madaling gawin para sa akin.”

Thankful si Andrea sa leading man niyang si Derek Ramsay, dahil napaka-comfortable raw siyang kaeksena, to think na big star ito kaysa sa kanya.

Ang The Better Woman ay napapanood pagkatapos ng Sahaya gabi-gabi.

vuukle comment

MICHAEL V

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with