^

Pang Movies

AlDub aabangan kung tuluyang mabubuwag

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
AlDub aabangan kung tuluyang mabubuwag
Alden Richards at Maine Mendoza

Siguro imbes na mang-bash, mas tamang manood ng mga project nila Alden Richards and Maine Mendoza ang fans nila.

Noong may Victor Magtanggol si Alden, hindi naman nila sinuportahan, nang-bash pa sila.

At ngayon dapat patunayan nila na malakas ang hatak nila sa panonood nila ng pelikula nina Coco Martin, Maine and Vic Sotto.

Hanggang kahapon ay angat pa rin ang pelikulang Fantastica ni Vice Ganda at kailangan nilang maging mas masigasig para mas lumakas pa ito.

Maganda ang Puliscredibles at walang nanonood ang hindi ito pinuri ang MMFF entry na ito kaya siguro naman wala silang masasabi.

Kesa naman mang-atake sila sa social media, manood sila ng sine.

May kanya-kanyang lovelife na sila Alden at Maine.

Wala man silang ina­amin, visible na sila na iba ang nakaka-date.

Ngayong 2019, ano nga kayang kapalaran ng AlDub?

Consistent ang date nina Maine and Arjo Atayde at Alden may GF diumano na galing sa angkan ng isang maimpluwensiyang pulitiko.

Matteo hindi pa handang pakasal?!

Working New Year for Sarah Geronimo. Sasalubong siya ngayong gabi sa pagpasok ng 2019 sa The Grand Countdown to 2019 ng Resort World Manila ngayong gabi, kung saan may mass ng 6:00 p.m., 7:00 p.m. ang dinner and show sa Marriot Grand Ballroom. Special guests sina Ronnie Liang, Sam Concepcion and Randy Santiago hosted by Giselle Sanchez.

Anyway, aabangan sa 2019 ang lovelife ni Sarah at Matteo Guduicelli.

Ang sabi ok na kay Sarah na pakasal pero hindi pa raw handa si Matteo. True kaya ‘yun?

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with