^

Pang Movies

Catriona nag-umpisa sa Little Miss PH!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kung hindi pa nag-post si Joey de Leon sa Instagram account niya ng picture ni Catriona Gray noong bagets pa ito, hindi ko malalaman na sumali pala siya noon sa Little Miss Philippines contest.

 

Kaya pala kabilang si Papa Joey sa mil­yun-milyong Pilipino na natutuwa dahil si Catriona ang nanalo na Miss Universe 2018 sa coronation show na ginanap kahapon sa Bangkok, Thailand.

Pinanood ni Papa Joey ang live telecast ng Miss Universe sa APT Studios. Hindi siya nag-iisa dahil nanood din ang mga host at staff ng Eat Bulaga na nagbunyi rin nang todo nang mag-win si Catriona.

Clint kinakiligan sa Thailand!

Puwedeng magkaroon ng career sa Thailand si Clint Bondad, ang boyfriend ni Catriona Gray.

Naging popular si Clint sa Thai people na mang­hang-mangha sa kanyang movie star look.

Ang hindi alam ng mga Thai, artista talaga sa Pilipinas si Clint pero hindi pa nabibigyan ng big break.

Lumabas si Clint sa mg pelikula ng Viva Films at ang huling dinig ko, iba na ang namamahala sa showbiz career niya at ito ang kinausap ng staff ng Dear Uge nang i-guest siya sa Sunday comedy antho­logy ni Eugene Domingo.

Catriona sa Amerika na magpa-pasko!

Hindi dapat i-bash ang gay at female anchors ng Miss Universe na hindi binanggit ang name ni Catriona sa mga kandidata ng Miss Universe na type nila na manalo.

Baka sinadya nina Carson Kressley at Lu Sierra na huwag isali si Catriona sa kanilang mga listahan dahil baka mahalata na pinapaboran nila ang Pinay candidate.

Day one pa lang ng Miss Universe 2018, si Catriona na ang hinuhulaan na mananalo kaya kampanteng-kampante ang mga Pinoy.

Kung pipiliin nina Carson at Lu si Catriona bilang bet nila, baka isipin ng mga bitter supporter ng ibang mga kandidata na may cooking show na nangyari dahil dalawa sa mga hurado ang mga Pilipino, ang international fashion designer na si Monique Lhuillier at si Richelle Singson-Michael, ang anak ni Papa Chavit Singson na napapabalita na may “share” sa Miss Universe Organization.

In fairness, deserving naman talaga na manalo si Catriona dahil pinaghandaan niya ang pagsali sa Miss Universe.

Confidently beautiful siya at swak ang sagot niya sa final question. Hindi siya katulad ni Miss South Africa na strong contender din pero bitin ang sagot kaya hindi nangyari ang back-to-back win nila ni Demi Leigh Peters, ang predecessor ni Catriona.

Anyway, ang pagbabalik ni Catriona sa Pilipinas ang inaabangan ng mga kababayan natin pero hindi pa sure kung kailan mangyayari ang kanyang victory parade.

May balita na mula sa Thailand, lilipad muna si Catriona sa New York kaya malamang na hindi siya magdiwang ng Pasko sa Pilipinas.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with