^

Pang Movies

Ebidensiya sa Little Ms. PH ni Catriona, nakalkal!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ebidensiya sa Little Ms. PH ni Catriona, nakalkal!
Catriona Gray

Masayang-masaya si Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray sa kanyang mga followers sa social media dahil sa paghanap nila ng mga throwback photos niya noong sumali siya sa kanyang kauna-unahang pageant na Little Miss Philippines noong 1999.

Ang Little Miss Philippines ay beauty pageant para sa mga batang babae ng noontime show na Eat Bulaga. Sa naturang kiddie pageant sumikat sila Aiza Seguerra at Ryzza Mae Dizon. Naging contestants din ng naturang pageant ang mga celebrities na ngayon na sina Gladys Reyes, Pauleen Luna, Jessa Zaragoza, Donna Cruz, Geneva Cruz, Kim Domingo at Julie Anne San Jose.

Pinost ni Catriona sa kanyang Instagram Stories ang mga binigay na rare photos sa kanya ng followers niya. Makikita sa mga photos na may bearing na talaga si Catriona na maging isang beauty title holder balang-araw.

“How did you guys find this? I’ve never seen this picture before!”

“You guys are P.I. (Private Investigator) detective levels,” caption pa ni Catriona with matching mindblown emoji.

Dagdag pa na caption: “Little Miss Philippines 1999, Catriona’s first ever pageant! ang haba ng leeg! Disney Princess lang? #catrionagray”

Si Catriona ang ipapadala ng Pilipinas sa 2018 Miss Universe pa­geant, bansang Thailand na magaganap in December 17, 2018.

Alden nagkumpisal kay Coney

Nagkuwento si Ms. Coney Reyes na nagkaroon sila ng mahabang oras ni Pambansang Bae Alden Richards na mag-bonding pagkatapos na kunan ang unang eksena nila para sa telefantasya na Victor Magtanggol.

Nag-open naman daw si Alden sa mga problema nito at ilang bagay pa na related sa kanyang pamilya at trabaho.

“But of course, ‘yung mga napag-usapan namin, secret na iyon.

“Maraming artista na lumalapit sa akin and they just open up.

“Pakiramdam daw kasi nila na mapagkakatiwalaan nila ako and I don’t break that trust.

“It’s the way the Lord wants me to share with these young people,” ngiti pa ni Ms. Coney.

Higit na 44 years na si Ms. Coney sa showbiz industry at napagdaanan na niya ang maraming pagsubok sa buhay niya. Mas matindi pa raw ang mga iyon kumpara sa mga pino-problema ng mga kabataan ngayon.

“Showbiz can be a very stressful job. Marami kang pakikisamahan, marami kang kailangan i-please… I should know kasi napagdaanan ko lahat ‘yan.

“During my time, maintriga ka lang na ganito ka, ganyan ka, it can really break you. Ngayon kasi, nakikita kong problema ng mga artista ngayon, may kinalaman ang social media.

“I am not saying na magaan lang ang problema nila. But compared to what I’ve gone through... Pero iba’t iba ang mga problema talaga ng tao and it’s only through God that we can find strength.

“Ang ina-advise ko lang naman sa kanila is always pray.

“Pray for all the good and the not-so-good things that is happening in your life.

“Kailangan may open communication ka with Him.

“If we spend so much time with all these gadgets to communicate with our friends and family, ano ba naman ang ilang minute na prayer for the Lord, ‘di ba?” pagtapos pa ni Ms. Coney.

Tom limang taon nang ‘di nakikita ang anak

Limang taon na palang hindi nakikita ng Hollywood superstar at bida ng global hit na Mission: Impossible (Fall Out) na si Tom Cruise ang kanyang anak kay Katie Holmes na si Suri Cruise.

Huling nakasama raw ni Tom si Suri ay 7-years old pa lang ito. Ngayon ay 12-years old na si Suri at gustong mag-reach out ng aktor sa kanyang anak.

Pero magiging malaking problema ito kung saka-sakali dahil sa posisyon ni Tom sa Scientology community, pinagbabawal si Suri na makipagkita or kausapin ang kanyang ama.

Ito raw kasi ang napagkasunduan ng community sa ex-wife ni Tom na si Katie. Noong mag-divorce sila in 2012, bawal nang mag-communicate ang mag-ama. Kahit na banggitin ang name ni Suri sa mga interviews ng aktor ay pinagbabawal ng Scientology.

Pero gumagawa raw ng effort si Tom na kahit paano ay maparamdam niya sa kanyang anak na nami-miss niya ito. May mga secret phone calls daw na ginagawa ang aktor at nagpapadala ito ng letters sa bata.

May strict rule sa The Church of Scientology that “you are to be cut out entirely by those who desire to remain in the controversial community.”

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with