^

Pang Movies

Robin gustong ilihim ang pagsagot sa burol ni Bernardo Bernardo!

Jun Lalin - Pang-masa
Robin gustong ilihim ang pagsagot sa burol ni Bernardo Bernardo!

Robin

Sa St. Peter Cha­pels, 262 Araneta Ave, Quezon City nakaburol ang yumaong veteran comedian na si Bernardo Bernardo. Si Robin Padilla ang sumagot ng funeral services hanggang sa cremation sa Tuesday ni Bernardo.

May nakapagkuwento lang sa amin ng tungkol doon, pero ang totoo raw, ayaw ipasabi ni Robin ang bagay na ‘yun. Nang magpunta kami sa first night ng burol, nasa room 204 pa ang kanyang mga labi, pero kahapon ay ibinalita sa amin ng kaibigan niyang komedyante na si Beverly Salviejo na nailipat na ang mga labi ni Bernardo sa mas malaking room at may ibang sumagot daw ng dagdag na bayad para roon.

Malapit na kaibigan ni Bernardo si Beverly, kaya isa siya sa mga tumutulong sa mga kamag-anak ng yumaong veteran comedian sa pag-aasikaso sa nasabing burol. Isa rin si Beverly sa mga namahala sa unang fundraising event para kay Bernardo na ginanap sa Salu restaurant at nag-perform din siya sa fundraising show naman sa Zirkoh comedy bar ng grupo ni Cristy Fermin noong February 10.

“Actually, sinamahan ko si Richard nang dalhin nila ang kinita ng fundraiser na ‘yon kay Bernardo. Ako kasi ang nakakaalam ng bahay ni Bernardo sa Mandaluyong City. Bale si Gardo Versoza, sinamahan ko rin kay Bernardo dahil nag-abot din sila ng tulong, ‘yung biking club niya.

“Dapat nga sa Sunday (bukas), may sasamahan din ako na mga taga-Amerika na mga miyembro naman ng theater group, at may dadalhin din silang tulong kay Bernardo, pero hindi na nga sila umabot,” pahayag pa ni Beverly.

Samantala, nakita rin namin sa unang gabi ng burol ng veteran comedian ang veteran character actress na si Chanda Romero.

Dagdag pa ni Beverly nang makausap namin kahapon, “Ang alam ko, maraming pupunta mamaya sa burol ni Bernardo.”

Assunta at Alessandra nagtatrabaho na uli

Medyo nagkaroon ng delay sa taping ng Cignal cable series ng Viva na Diary Of A 30 Something na pinagbibidahan ng magkapatid na Assunta at Alessandra de Rossi at ng kanilang mga barkada.

Noong una kasi, after ng kanilang first taping day, ilang beses silang na-pack-up, pero ngayon ay smooth sailing na ang kanilang taping. Malamang na aabot ng April ang taping nila.

Masaya ang magkapatid na Assunta at Alessandra na finally ay magkatrabaho na uli sila.

Jay R at Jaya madalas na uling magkasama

Ang Cornerstone na rin pala ang manager ni Jay R. Kasama nga si Jay R sa Soul & R&B Royalties concert ng Cornerstone ngayong August sa KIA Theater. Makakasama ni Jay R dito ang kapwa niya Cornerstone talent na si Jaya, pati si Jason Dy (hindi siya mina-manage ng kompanya ni Erikson Raymund).

Sabi ni Jay R, excited siya na makasama sina Jaya at Jason.

Matatandaan naman na noong araw ay magkasama sina Jay R at Jaya sa S.O.P. ng GMA 7 at ngayon, madalas silang nagkakasama bilang hurado sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with