^

Pang Movies

Rhian lilipat sa Kapamilya?! Pero hindi nagmamadaling pakasal!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sa grand presscon kahapon ng Fallback na ginanap sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN ay biniro ang lead actress na si Rhian Ramos na hindi ba siya natatakot matsismis na lilipat na siya ng network since naroon nga siya sa rival station ng home network niyang GMA 7.

“I think posible namang mangyari na matsismis nang ganu’n. Hindi naman ako natatakot do’n. I think, siguro, in-expect ko na rin, parang ganu’n.

“Pero I feel very blessed to be working on a TV project right now with Lovi Poe, Dennis Trillo and Max Collins, at saka it’s also another comedy, so I feel very, very grateful and happy,” sabi ni Rhian.

Natawa na lang siya nang biruin siyang pwede rin niyang maging “fallback” ang ABS-CBN.

“I don’t know what to say,” natatawa niyang sabi. “But no, I’m very happy with everything that I have right now, so I don’t really feel the need to change anything at the moment.”

Happy rin si Rhian sa kanyang love life ngayon dahil very smooth ang relationship with Filipino-Chinese businessman boyfriend na si Jason Choachuy.

Sa panahong uso ngayon ang engagement at kasalan, natanong din si Rhian kung kelan naman sila ni Jason at kung may plano na ba sila.

“‘Yun nga, eh, kasi lahat ng friends ko na nga, na-engage na, actually, most of them, nakasal na. Si Max pa is getting married in December.

“So, I mean, hindi ko naman masabi na hindi siya nagko-cross sa mind ko, kasi, kahit paano naman, because it’s happening and we attend the weddings together pa, you know, maiisip ko rin na what would it be like kaya kung ako rin.

“Pero hindi rin kasi talaga ako nagmamadali, eh. At saka wala pa akong feeling na I’m running out of time, so wala,” pahayag pa ni Rhian.

Sa ngayon ay nag-e-enjoy daw siya talaga sa kanyang ginagawa at natutuwa siya na maka­trabaho ang mga artistang hindi raw niya nakakatrabaho pa.

Sa Fallback ay kasama ni Rhian sina Zanjoe Marudo at Daniel Matsunaga na parehong Kapamilya actor although as we all know ay dating Kapuso si Dandan.

Mula sa direksyon ni Jason Paul Laxa­mana, Fallback is showing on Nov. 15 produced by Cineko Productions and released by Star Cinema.

Rico J., nahulaan ang pinagdaanang operasyon

Sobrang nagpapasalamat si Rico J. Puno na binigyan pa siya ng Panginoon ng panga­lawang pagkakataon para mabuhay. Kung matatandaan, two years ago ay inatake ang tinaguriang The Total Entertainer at sumailalim sa isang triple bypass heart surgery.

In his 40 years in the business, ito raw talaga ang pinakamala­king blessing na dumating sa buhay niya at pinaka-memorable for him.

“Akala ko, tapos na ako, eh. Pero ang bait ng Diyos, eh. Nagtataka ako paano ko naligtasan ‘yun,” sabi ni Rico sa presscon kahapon para sa kanyang upcoming concert titled Tatak Rico J: A Tribute to the Total Entertainer bilang selebrasyon sa kanyang ika-40 taon sa showbiz industry.

Ang pagkaka-survive raw niya sa operasyon ang isa sa pinakamagandang pangyayari sa kanyang buhay at ipinagpapasalamat niya sa Diyos.

Kasi kung hindi gusto ng Diyos ‘yun, siguro wala na ako. Kasi noon, hinulaan ako noon, eh. Na mangyayari sa (akin). . .akala ko nga, mababaril ako. Pero ito pala ‘yun,” pahayag niya.

Ayon kay Rico ay hindi nga raw niya alam ang magaganap sa concert at ang alam lang niya ay kakantahin daw ng kanyang mga guest ang kanyang mga songs.

When asked kung sino ang mas bastos sa kanila ni Willie R, sagot niya, “wala actually. Pagka may pera ka, hindi ka bastos.”

How about AiAi, magbabastusan din ba sila?

“In fairness kay AiAi ha, talented masyado ‘yan,” sambit ni Rico.

Nang mabanggit na malapit na ang kasal ni Comedy Queen, sey niya, “Ha? Ikakasal na naman? Walang kadala-dala!”

Tawanan!

Anyway, gaganapin ang Tatak Rico J sa Dec. 2, at The Theater at Solaire Resort and Casino under the musical direction of Louie Ignacio with Rowell Santiago as the stage director.  The show is presented by Star Media Entertainment in association with Solaire Resort Casino and is for the benefit of PNP-PCRG’s Community Outreach Programs.

Tickets are now available at Solaire Box Office, Ticketworld and SM Tickets.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with