^

Pang Movies

Beteranong model sa pagmamaneho na lang kumikita

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Maraming local models natin ang nawalan ng trabaho dahil sa pagpasok ng foreign models na nanggaling pa sa Europe, US, at South America.

Kuwento sa amin ng isang former male model na isang driver na ngayon para sa isa sa app-based transport company, marami raw trabaho ang nawala sa kanila dahil sa pagpasok ng foreign male models.

Ten years na naging aktibo bilang freelance model ang nakakuwentuhan namin. Nakatrabaho niya ang mga top designer sa fashion shows at isa siya sa mga naging in-house male models ng isang fashion brand company.

Pero dumalang na raw ang trabaho niya noong unang dumating ang mga Brazilian-Japanese male models. Ngayon ay models na mula Amerika at Europe ang hina-hire ng mga kumpanya.

“Noon puro kami mga Pinoy kapag may runway show ang isang brand ng underwear. Iilan lang ang mga foreign models. Ngayon halos lahat ng models ngayon taga-ibang bansa. Naitsapuwera na kaming mga Pinoy.

“Akala namin hindi sila magtatagal. May iba’t ibang campaign kasi ang mga clothing company. Pero kapag may photo shoot, napansin nami na iilan na lang kaming mga Pinoy. Halos lahat foreigners na.

“Hanggang sa naging dalawa o tatlo na lang kami. Nitong huling campaign shoot nila, hindi na ako tinawagan. Alam kong naagawan na ako ng trabaho ng mga foreigners na ‘yan,” emote pa ng kausap namin.

Mabuti na lang daw at marunong siyang mag-ipon. Sa pagiging modelo niya for ten years, nakapundar siya ng dalawang condo units na pinapaupahan na niya ngayon, at dalawang sasakyan na ang isa ay pinampapasada na niya. May isang anak siya sa isang dating modelo rin.

“Wala akong choice kundi gawin ito. Or else gutom ang pamilya ko.

“Mas okey na ito kesa sa ginagawa ng ilang male models na nawalan ng work. Wholesome pa rin ang image ko kahit driver na lang ako ngayon,” tawa pa niya.

Pia feeling singer na

Pinasok na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pagiging isang recording artist.

Sa isang post ng former Miss Universe, makikitang nasa loob siya ng isang recording studio at maka-smile habang kumakanta ito.

“Recording my first song ever!” caption pa niya.

 Pero ayon kay Pia, hindi naman daw isang album ang gagawin niya kundi para raw ito sa isang bagong endorsement niya.

Bumalik na rin sa paggawa ng pelikula si Pia sa pamamagitan ng comedy film with Vice Ganda and Daniel Padilla na isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017. May titulo itong Gandarah N’ Guwapito: The Revengers.

Taylor Swift at British actor BF nagtago sa bahay ng supermodel sa London

Nagkaroon ng secret trip to London si Taylor Swift kasama ang rumored boyfriend niya na si Joe Alwyn.

Nag-stay ang American popstar at ang British actor sa bahay ng supermodel na si Cara Delevingne sa Chiswick. Hindi sila nag-book sa malalaking hotels doon para walang makaalam ng kanilang pagpunta.

“Taylor made the trip to England to spend time with Joe’s family and friends, and Cara offered to have them at her place in Chiswick.

“Obviously Taylor can stay at the world’s swankiest hotels but that’s not really her bag,” ayon sa report ng The Sun.

Low profile ang relasyon ni Taylor kay Joe since May 2017.

“She’s trying to keep a low profile with Joe, and staying with Cara has let her do that. Instead of being stopped by fans for selfies, they’ve been able to come and go totally unnoticed,” dagdag pa ng The Sun.

Nakilala na ni Taylor ang buong pamilya ni Alwyn sa London at nakilala na rin ni Alwyn ang pamilya ni Taylor noong bumisita ito sa Nashville last summer.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with