^

Pang Movies

Aktor na sabaw ang akting, mahilig maglagay ng make up sa abs!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagmistulang peke ang abs ng isang aktor dahil sa make up na inilagay para maging prominent ang mga “pandesal” niya sa tiyan.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang lagyan ng make up ang abs ng aktor eh sanay na ang mga tao na napapanood siya na nakahubad sa lahat ng television appearances niya?

Kung may dapat i-develop ang aktor, ito ay ang acting talent niya, hindi ang katawan dahil hindi forever na magbibilad siya sa TV ng hubad na katawan.

Boyet dapat tula-ran, laging handa  sa lindol at iba pang kalamidad!

Ang malakas na lindol sa Batangas noong Sabado ang balita na sumalubong sa akin nang bumalik ako sa Pilipinas mula sa four-day trip namin sa Jeju island.

May nasira na resort, simbahan na napinsala at kalsada na hindi madaanan sa ilang bayan ng Batangas dahil sa lindol.

Naramdaman uli kahapon sa Mabini, Batangas ang pagyanig ng lupa na hindi masyadong malakas dahil magnitude 2.1 lang.

Sa panahon ng mga natural calamity, dapat mag-ingat at maging alerto ang mga kababayan natin.

Tularan nila si Christopher de Leon na parang boy scout dahil pala­ging handa.

May mga first aid kit ang lahat ng mga sasakyan ni Boyet, in case of emergency. Pati ang mga kotse ng mga anak niya, kumpleto sa mga gamit na kailangan tulad ng flashlight, bottled water, etc.

Natatandaan ko nang magpatawag ng presscon noon si Mother Lily Monteverde para kay Senator Richard Gordon at sa fun run project ng Philippine Red Cross.

Namigay si Papa Dick ng mga first aid kit mula sa Red Cross na may mga laman na pito, band aid, paracetamol, bulak at alcohol na mga pangunahin na kailangan sa mga hindi inaasahan na sitwasyon.

In fairness sa Duterte administration, hindi sila nakalimot sa pagbibigay ng update tungkol sa lindol na nangyari noong Sabado.

Marami ang nakatanggap ng text message mula sa National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC) noong Saturday night.

Nakasaad sa text message na isang lindol ang naganap sa Mabini, Batangas, 3:07 pm, 08 April 2017. Ang aftershocks ay maaaring magdulot ng pagguho ng lupa at imprastraktura. Maging handa at siguraduhing ligtas ang sarili at ang pamilya.

Christian in-demand pa rin sa Indonesia

Sikat pa rin si Christian Bautista sa Indonesia. Habang hindi pa nagsisimula ang airing ng Tagalog adaptation ng My Love from the Star, pabalik-balik si Christian sa Indonesia dahil in demand siya sa mga corporate show.

Maraming Indonesian fans si Christian na malapit nang mapanood sa isang importanteng role sa My Love from the Star ng GMA-7. Ang Encantadia ang huling television project ni Christian bago ito isinali sa cast ng bagong teleserye ni Jennylyn Mercado at ng newcomer na si Gil Cuerva.

Legal wives makaka-relate sa D’ Originals

Excited ang mga legal wife na mapanood ang D’ Originals ng GMA-7 dahil baka maka-relate sila sa kuwento ng mga misis na niloloko ng kanilang mga mister.

Enjoy ang female televiewers, lalo na ang mga legal wife sa funny full trailer ng D’Originals na pinangungunahan ng Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with