^

Pang Movies

Sofia kaya raw patunayan na ‘di adik si Diego

- Vinia Vivar - Pang-masa

Suportado ni Sofia Andres ang “close friend” na si Diego Loyzaga sa problemang pinagdaraanan nito ngayon sa amang si Cesar Montano. Ayon sa young actress nang makatsikahan namin sa presscon ng horror film na Pwera Usog kung saan ay isa siya bida, bilang kaibigan ay lagi raw siyang nandiyan para sa young actor.

Noon pa raw ay alam na niya ang sama ng loob ni Diego sa ama dahil naikukuwento na nito noon pa sa kanya.

“Sabi ko lang sa kanya po, nandito ako for him, I’m always ready to listen, andito ako para intindihin kung ano ‘yung kinikimkim niya, ‘yung galit niya sa dad niya, at I’m always here to pray na sana, maayos ang lahat,” she said.

Did he consult her bago ilabas sa social media ang rant sa ama?

“Actually, hindi po. Pero after that, I talked to him, we talked about it na magiging maayos din ang lahat.”

Sa tanong kung naniniwala ba siyang gumagamit ng drugs si Diego tulad ng akusasyon ng ama nito, mariing sagot ni Sofia, “No. No.”

Pero aware siya na limang beses ipina-drug test si Diego?

“Actually, I have no any idea about it pero nagsabay po kami ni Diego sa drug test, honestly. And kaya ko pong patunayan na negative. Alam po ‘yan ng Star Magic.”

Kumusta na si Diego ngayon?

“He’s better right now. Siyempre, ‘yung mga mahal niya sa buhay, sinusuportahan siya kahit ano ang mangyari kasi hindi naman po namin siya pinapabayaan,” sey ni Sofia.

Hindi na ba galit si Diego sa tatay niya?

“Nandu’n pa rin po siguro pero hindi naman po kailangang palaging down ka, eh. Nandito naman kami para sa kanya and we have projects together.

“And hindi po kailangang naka-focus palagi sa problema at marami pong blessing na dumarating sa kanya.”

Samantala, sa Pwera Usog ay si Joseph Marco naman ang kapareha ni Sofia at sey niya, noong una pa mang ibigay sa kanya ang script ay na-excite na siyang gawin ito.

“At saka nun’g nalaman ko na si Direk JP (Jason Paul Laxamana) ‘yung magiging direktor ko, sobrang blessed and happy kasi siyempre, may mga bago akong artistang makakasama – sina Joseph, sina Kiko (Estrada), si Devon (Seron), si Albie (Casiño), siyempre, ibang experience ‘yun.

“At habang ginagawa po ‘yung pelikula, nakaramdam ako ng bagong family kasi tulungan kami dito, talagang pinaghandaan namin,” pahayag pa ni Sofia.

Showing na sa March 8 ang Pwera Usog at kasama rin sa movie sina Cherise Castro, Aiko Melendez, Rommel Padilla and Eula Valdez.

Albie ayaw makita si Jake

Still at the presscon of Pwera Usog, mukhang happy na si Albie Casiño ngayon pagkatapos ng matagal-tagal ding pagdurusa dahil nga sa akusasyong siya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann.

Kahit medyo matagal-tagal na ring tapos ang issue, still, isa pa rin ito sa parating natatanong kay Albie tulad na nga lang sa nasabing presscon.

Ayon kay Albie, walang-wala na raw galit talaga sa puso niya tungkol sa nangyari.

“Matagal na akong walang galit kasi, anon’g gagawin ko di ba? Magagalit lang ako, hindi naman siya o-okey kung galit ako, di ba? Ako lang din ‘yung masisira pag galit na galit ako,” he said.

When asked kung sa tingin ba niya ay “nakausog” sa career niya ang nangyari sa kanila ni Andi, aniya ay oo naman.

“Of course, parang na-derail siya nang konti, nag-hiatus ako for a while. I lost a lot of work. Maraming naka-line-up sa akin no’n, eh. Tapos nataggal lahat, naudlot lahat.”

Hindi pa ba sila nagkikita ni Jake Ejercito? Nabanggit din kasi ni Jake one time sa isang panayam na wala naman daw silang dapat pag-usapan ni Albie, ano ang masasabi niya rito?

“I couldn’t care less about that guy,” sambit ni Albie. “I don’t have to do anything with him. Anon’g point? Anong sasabihin ko sa kanya, wala naman akong sasabihin sa kanya, eh.”

Pag nagkita sila sa isang place?

“Wala, dedma,” he said.

 

vuukle comment

SOFIA ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with