^

Pang Movies

Alma natupad na ang wish na magkatrabaho

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Balik sa pag-arte sa TV ang actress-turned-politician na si Alma Moreno matapos na hindi siya manalo sa pagka-senador noong nakaraang May elections.

Pero sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi pa rin daw sinusukuan ni Alma ang politics.

Susubok daw uli siyang tumakbo sa susunod na eleksyon.

“Naging parte na ng buhay ko sa mahabang panahon ang public service.

“Kaya hindi ako basta mawawala sa ganyang linya ng trabaho.

“Sa ngayon, balik tayo sa pag-arte. Na-miss ko rin ang showbiz, eh.

“Ang mga anak ko (Mark Anthony Fernandez, Vandolph Quizon, Winwyn Marquez) aktibo sa showbiz. Siguro ay walang masama kung bumalik ako since uso naman ang mga kaedad ko na nagbabalik sa TV, ‘di ba? Uso na kami ulit!” tawa pa ni Alma.

Nagbabalik nga si Alma sa pamamagitan ng bagong sitcom sa GMA-7 titled Tsuperhero.

Reunited si Alma sa dating leading man niya sa pelikula na si Gabby Concepcion. Unang nagsama ang dalawa sa pelikulang Abigael noong 1981 at sa Abandonada in 1989.

Kasama rin sa Tsuperhero ang love team nila Derrick Monasterio at Bea Binene.

Rufa Mae hindi pa rin nakakapili ng wedding ring

Sa November na ang kasal ni Rufa Mae Quinto sa kanyang fiancé na si Trevor Magallanes. Nakapili na si Rufa Mae ng isusuot niyang wedding gown at venue para sa wedding at reception. Inamin na rin ng komedyana na buntis siya. Ang tanging kulang na lang ay ang wedding ring na isusuot nila ng bride at groom.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nakakapag-decide si Rufa Mae kung ano ang tamang singsing para sa wedding day niya. Sa kanyang Instagram account, nag-post si Rufa Mae ng isang singsing na sinubukan niyang isuot sa kanyang daliri.

Humingi pa ng suggestions si Rufa Mae kung anong klaseng wedding ring ang kukunin nila ng kanyang fiancé.

Eunice hindi malimutan ang kabaitan ni Joy Viado

Isa sa labis na nalungkot sa pagpanaw ng komedyanteng si Joy Viado ang dating child actress na si Eunice Lagusad o mas kilala bilang si Charming ng teleserye na Bakekang.

Nagkasama sina Eunice at Joy sa QTV 11 sitcom noon na Ay, Robot taong 2005. Two years din tumagal ang naturang show kaya hindi raw malilimutan ni Eunice ang pagiging masayahin at mabait na tao ng kanyang Tita Joy. “Walang boring moment kapag nasa studio na si Tita Joy. Mari­rinig mo na ang boses niya malayo pa lang. Alam mong nandiyan na siya.

“At saka wala siyang effort na magpatawa talaga. ‘Yung one line na kilay na lang niya kapag tinataas na niya ay matatawa ka na agad.

“Pero ang hindi ko malilimutan sa kanya ay ang pagi­ging mabait niya. Lahat ng tao sa set ay kasundo niya at wala akong alam na naging kaaway niya.

“Kaya noong mabalitaan ko ang nangyari kay Tita Joy, naiyak talaga ako kasi isa siya sa mga taong naging malapit sa puso ko,” emote pa ni Eunice.

Huli nga raw silang nagkita ni Joy sa GMA-7 noong nakaraang July.

“Nakita ko siya sa lobby. Naka-wheelchair siya. Nilapitan ko siya agad at nagulat siya kasi ang laki ko na raw at dalaga na ako.

“At least ngayon, wala na siyang mararamdaman na sakit. Laging nasa prayers ko si Tita Joy.”

Si Eunice nga ang matatawag na bagong best friend ng bayan dahil siya ang gaganap na best friend ni Inah de Belen sa teleserye na Oh, My Mama.

Huling napanood si Eunice ay sa Because of You.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with