^

Pang Movies

Pangarap na serye ng AlDub, hindi matutuloy!

Jun Nardo - Pang-masa

Pelikula ang susunod na malaking project ni Alden Richards at hindi teleserye ayon sa manager niyang si Daryl ng GMA Ar­tist Center.  Malabong maisingit sa sked ng Pambansang Bae ang regular na primetime program dahil sa Eat Bulaga.

Siyempre, si Maine Mendoza ang makakapareha ni Alden and this time, nakasentro na sa kanila ang pelikula. May iba pa bang dapat? Eh nu’ng trade launch ng network sa Shangri-la Makati, super-asikaso ni Alden si Maine, huh!

Holding hands at todo alalay siya sa ka-loveteam. Sa rami ng nagpa-picture at selfie sa kanilang dalawa, hindi iniwan ng aktor ang kapareha kahit isang minuto. Inihatid pa niya ang dalaga hanggang sa makasakay ng kotse.

Tatapusin muna ni Alden ang shows niya sa Vancouver, Edmonton at Winnipeg. Halos sold out na raw ang tickets sa tatlong shows na magaganap sa Holy Week. Isa sa makakasama niya ay si Rocco Nacino.

Gagawa rin si Alden ng second album niya under GMA Records. Pero baka matagalan pa bago matapos ‘yon dahil pinag-iisapan pa ang mga kakantahin ng Kapuso actor.

Regine inggit na inggit sa katawan ni Marian

Inggit much si Regine Velasquez-Alcasid sa kaseksihan ni Marian Rivera nang magpa-picture sila sa nakaraang GMA Thanksgiving Party para sa advertisers ng network. Ipinost ni Songbird ang picture nila ni Yan Yan sa Instagram account ng singer-actress.

Caption nga ni Reg, “So happy to you@therealmarian. I’m excited to see Baby Z. Bat ganoon sexy ka na uli nasaan ang katarungan NASAN!!!!!” Of course, joke-joke lang ang mensahe ni Regine, huh!

Anyway, kahit masyubis pa, may korte naman ang katawan ni Reg na ididispley niyang tiyak sa mga suot na gowns sa Royals concert nila sa SM Mall of Asia Arena kasama sina Martin Nie­vera, Erik Santos at Angeline Quinto na magaganap ngayong gabi sa MOA Arena at sa February 14, sa Waterfront Cebu.

Dahil kay SGP, salitang foundling biglang naging uso

Nauso ang salitang foundling dahil sa disqualification cases na isinampa laban sa presidential bet na si Senador Grace Poe. Ang salitang ‘yon ang nagbigay inspirasyon kay Komiks King Carlo J. Caparas upang magkaroon ng eksena sa bagong Ang Panday na may batang iniwan sa harap ng isang simbahan, huh!

Eh sa oral arguments na ginagawa ngayon sa Supreme Court tungkol sa petisyon kay Sen. Poe, napansin ni Speaker Sonny Belmonte na halos lahat ng appointees ni President Noynoy Aquino sa SC ay pumapabor kay Senator Grace, huh!

Gayunpaman, ayaw isipin ng senadora na base sa sitwasyon niya na tinatawag na foundling ang eksenang ‘yon sa Panday. Basta ayon sa isang interview sa kanya sa radio, natutuwa siya’t binuhay muli ng Viva Communications at TV5 ang most-loved character sa movie ng amang si Fernando Poe. Jr.

Kaya nanawagan si Senador Grace na tangkilikin ng manonood ang Ang Panday na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez. Wag nga sanang bigyang-kulay ang pagssisimula ng programa sa Pebrero 29 dahil kahit paano ay maaalala ng manonood si Sen. Poe kapag pinapanood na ang Panday, huh!

The height na ng pambabatikos sa kanya kapag ipinatigil sa ere ang pagpapalabas ng Panday, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with