^

Pang Movies

‘Kaguluhan’ sa INC tinututukan ng bayan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Affected ako sa kaguluhan na nangyayari sa Iglesia Ni Cristo at sa pamilya Manalo.

Hindi ako makapaniwala na magagawa ng isang anak na itiwalag sa simbahan ang kanyang ina at mga kapatid.

Walang makapagsasabi kung paano matatapos ang kaguluhan na sumusubok sa pananampalataya ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Hanggang kahapon, napapaligiran ng mga pulis ang bahay ng mag-inang Tenny at Angel Manalo na hu­mingi ng saklolo dahil may mga pagbabanta sa kanilang mga buhay.

Sina Ka Tenny at Ka Angel ang mga itiniwalag sa INC ni Ka Eduardo Manalo, ang executive minister ng kanilang simbahan.

May isyu ng katiwalian ang itinuturo na dahilan ng pagkakawatak-watak ng pamilya Manalo. May isyu rin ng abduction ng mga ministro ng INC na lumalaban  at bumabatikos sa pamamalakad ni Ka Eduardo.

Mismong si Ka Angel ang nagsabi sa mga television interview na nauubos na ang pera ng INC dahil sa mga project ng Sanggunian ng INC. Ang Sanggunian ang sinabi ni Ka Angel na nagbabanta sa buhay ng kanilang pamilya.

Nakatutok ang lahat ng mga news program sa tensyon na nagaganap sa Manalo compound sa Tandang Sora, Quezon City. Nagpunta na rin doon si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Loyal member ng INC ang alaga ko na si Gladys Reyes. May regular show si Gladys sa Net25, ang MOMents. Ang INC ang may-ari ng Net25 Television Network.

Hindi ko pa nakakausap si Gladys kaya hindi ko pa alam ang sentimyento niya sa kaguluhan na nangyayari sa simbahan na kanyang kinaaniban.

Hindi ko na tatanungin si Yasmien Kurdi dahil ex-member na ito. Matagal nang tumiwalag si Yasmien sa INC.                       

Nanay ni Hayden pinabata ni Belo

Nagkita kami kahapon ni Irene Kho sa isang event. The who si Irene? Siya ang madir ni Hayden Kho, Jr. na feel na feel ko na imbyerna sa akin.

Hindi ko agad nakilala si Irene dahil malaki ang iginanda niya. Mabuti pa ang tatay ni Hayden, na-recognize ko agad.

I’m sure, may kinalaman ang Belo Medical Clinic sa flawless beauty ni Irene na bumata at hindi mo iisipin na nanay ni Hayden dahil parang magkaedad lamang sila.

Jimboy may huling mensahe bago namatay

Marami ang naghihintay sa exclusive interview ng Startalk kay Jimboy Salazar na namatay kahapon dahil sa pneumonia.

Ibang-iba na kasi ang physical appearance ni Jimboy nang mainterbyu siya ni Baby Briones, ang masipag na researcher ng Startalk.

Awang-awa si Baby sa kalagayan ni Jimboy pero bilib siya sa fighting spirit ng dating aktor na gustong-gusto pang mabuhay.

Kahit nahihirapan sa pagsasalita dahil hinihingal, pinilit ni Jimboy na masagot ang lahat ng mga question sa kanya.

Panoorin ninyo ang Startalk ngayong hapon para malaman n’yo ang mga pahayag ni Jimboy bago siya binawian ng buhay.

Mahal, may tampo pa rin Kay Jimboy kahit patay na?!

Maraming interbyu ang Startalk kay Jimboy noong malakas pa siya at dyowa-dyowaan pa siya ni Mahal.

Nasubaybayan ng Startalk ang mga kaganapan sa buhay ni Jimboy, pati na ang transition niya bilang transgender woman.

Ewan ko lang kung magsasalita si Mahal tungkol sa pagpanaw ni Jimboy. Ang dinig ko, may tampo si Mahal kay Jimboy at nag-dialogue siya na “Wala akong pakialam “ sa tuwing tinatanong tungkol sa kanyang ex-boyfriend.

vuukle comment

ANG

ANG SANGGUNIAN

HAYDEN

IGLESIA NI CRISTO

JIMBOY

KA ANGEL

MANALO

MGA

NBSP

STARTALK

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with