^

Pang Movies

Vice iniingatang mabuking ang bagong basketbolista

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Si Vice Ganda sa AdVice Ganda segment ng It’s Showtime kahapon.

Live ang noontime show ng ABS-CBN, pero taped na ang segment ni Vice dahil nasa Honolulu, Hawaii na siya para sa I-Vice Ganda Mo ‘Ko sa Amerika ngayong araw na ito sa Blaisdell Concert Hall.

Series of shows ‘yon na magtatapos sa Michigan sa April 12.

Tinaped ang segment na AdVice Ganda ni Vice dahil panghatak ‘yon sa ratings ng It’s Showtime.

Samantala, marami ang bumilib sa pagiging malihim ngayon ni Vice tungkol sa kanyang love life.

Inamin man niyang may boyfriend siya ngayon, ni ayaw niyang magbigay ng clue. Umiiwas na rin siyang sabihin kung ano ang gina­gawa sa buhay ng lalaking minamahal niya.

Hindi rin nagre-react si Vice sa duda ng marami na isa na namang basketbolista ang kanyang boyfriend.

Sabi lang ni Vice, mas mabuti na raw na tahimik lang ang aspetong ‘yon ng kanyang buhay.

Ang mahalaga raw, maligaya ngayon si Vice sa piling ng kanyang boyfriend.

Melissa inoperan ng pera ng kalaban

Hanggang kahapon ay ‘yung insidente pa rin sa loob ng Cebu Pacific Air flight na pa-Pagadian City between Melissa Mendez and Rey Pamaran ang issue na pinag-uusapan ng ilang taga-showbiz.

Pati ‘yung pakiusap ni Robin Padilla kay Rey na patawarin na si Melissa ay lumalaki na rin dahil sinagot ‘yon ni Rey na napatawad na nito ang aktres, pero kaya siya nagdemanda ay dahil para linisin ang kanyang pangalan na sinira raw ng mga “kasinungalingan” na ipinahayag ni Melissa sa mga interbyu nito.

Sinagot din ni Rey ang tungkol sa komento ng iba na sobrang laki ng 3 million damages na hinihingi niya kay Melissa at sinabi niyang, “Para dun sa mga nagsasabi na mukha akong pera, ito lang masasabi ko, how about this, panu kung si melissa nlng ang bibig­yan ko ng 3M para sabihin ang katotohanan? Hindi ko kelangan ang 3M.”

Hindi matatapos pag-usapan ang issue na ito between Melissa and Rey habang walang malaking issue na nagaganap sa showbiz!

Toni matagal hindi umuwi ng bahay

Natapos na rin ang shooting ng pelikulang You’re My Boss nina Toni Gonzaga at Coco Martin na showing na sa Sabado (Abril 4).

Biyernes nang mag-last shooting day sila.

Natuwa ang nanay ni Toni, si Mommy Pinty Gonzaga, nang maka­uwi noong Biyer­nes ng gabi sa kanilang bahay ang kanyang anak.

“Bale 11:30 p.m. siya dumating sa bahay, pero naiwan pa raw sa dubbing si Coco. From shooting kasi, dumeretso na sila sa dubbing. Praise God, natapos din ang shooting ng You’re My Boss.

“Hindi ko na kasi nakikita sa bahay si Toni dahil halos araw-araw ang shooting nila,” ang update sa akin ni Mommy Pinty.

 

vuukle comment

BLAISDELL CONCERT HALL

CEBU PACIFIC AIR

COCO MARTIN

I-VICE GANDA MO

MELISSA

MELISSA AND REY

MY BOSS

TONI

VICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with