^

Pang Movies

May koneksyon sa bagong trabaho? Judy Ann pumiyok sa tampo sa Kapamilya

- Vinia Vivar - Pang-masa

Inamin ni Judy Ann Santos kahapon sa presscon for her new teleserye under Dreamscape Entertainment, ang Someone to Watch Over Me na nagkaroon nga siya ng kaunting tampo sa ABS-CBN tulad ng napabalita.

“Well, ‘yung tampo naman with ABS, kumbaga come and go naman siya, hindi ba? Bilang artista at bilang nagtatrabaho sa kanila, ako ay isang emple­yado lang, may mga pagkakataon talaga na minsan hindi mo maiiwasan na magkaroon ka ng tampo sa mga boss mo pero lahat naman ‘yun naaayos kapag napag-uusapan.

“Yes, nagkaroon pero maliit lang, maliit na bagay and napag-usapan naman after a while, and ganun naman talaga kamo. Siguro may mga pagkakataon lang talaga na kailangang dumating ‘yung time ngayon para maging open kayo sa isa’t isa at kung ano ‘yung pwedeng hindi na maulit sa susunod,” pahayag ni Juday.

Gaano kaliit ‘yung maliit?

“Maliit lang,” ulit niya sabay-tawa. “It’s still part of work, it’s still part of me with ABS. But obviously, we’re okay already, we have projects coming. May mga bagong proyekto na maaring maluto along the way. So, ano lang ‘yun, it’s just the... wala namang issue sa trabaho, it’s just the relationship basically,” say pa ng Teleserye Queen.

Sa bagong serye ay gagampanan ni Juday ang role na NBI agent at first time niyang makakasama si Ri­chard Yap. First time lang nilang mag-meet kahapon at pareho silang excited na simulan na ang project.

Dingdong mas ganadong magtrabaho

Walang kaduda-dudang maligayang maligaya si Dingdong Dantes ngayon sa kanyang buhay may-asawa. Sa presscon nga ng bagong serye niya sa GMA-7 na Pari ‘Koy, kitang-kita talaga sa aura niya ang extreme happiness to the point na hindi mawala ang mga ngiti sa kanyang mukha sa tuwing napag-uusapan ang misis niyang si Marian Rivera.

“Ang sarap ng buhay,” ang nakangiting bungad ni Dingdong. “I’m very, very happy. ‘Di ko ine-expect na mae-elevate siya ng ganito.”

Dagdag pa ng aktor, nung first few days daw after the wedding ay hindi pa niya gaanong nararamdaman ang pagbabago.

“Parang pareho lang eh, parang wala namang nagbago. Pero nung pagbalik namin dito (from the honeymoon), siguro after two weeks, ‘yun, naramdaman ko na unti-unti talaga ‘yung ano, alam mo na nag-next le­vel ka talaga. Alam mong may asawa ka na.

“’Yung mga tipong ako alas onse inaantok na ako, tapos mas maaga ako nagigising, mga ganu’n ba. So parang mas may dahilan ka para bumangon araw-araw,” say ng aktor.

Pero ang mas mahalaga raw na pagbabago sa kanya ay mas ganado siya ngayong.

“’Yung motivation to work and to do better things eh nag-increase ten-fold,” he said.

May naging pahayag si Marian recently na mas naging sweet daw ngayon si Ding­dong kaysa sa kanya na ayon sa aktor ay expression daw ‘ng happiness para sa kanya.

Kaya nga everyday ay ganado rin siyang mag-taping ng Pari ‘Koy.

Ano naman ang mga bagong discoveries niya kay Marian nga­yong asawa na niya ito?

“Everyday mayroon pa rin dapat discoveries sa isa’ isa. Like kanina, first time niya kasing napuyat after a long time kasi nag-taping siya ng Lenten Special.

“So, nauna akong natulog, parang wala siya sa tabi ko. Alam ko na parang napagod siya kasi hindi pa siya sanay, may mga ganu’n, ‘yung alam mo na napi-feel mo kapag napapagod siya, parang you wanna do everything para medyo maging maayos ang kalagayan niya,” kuwento ni Dong.

Tina-try na ba nilang magka-baby?

“Yes. Basta ang ano naman namin, baka this year, mga ganu’n. But we’ll see kasi right now, we’re engaged in a show. Siyempre kailangang may planning din. But lahat naman yan magbabago depende sa dikta ng ibibigay sa aming biyaya. So everything depends on that.”

Ready na ba siyang maging dad?

“Of course, of course, since a long time. In fact, yan ang isa sa reasons kung bakit we decided to really get settled down is because game na game kami.”

vuukle comment

ALAM

DINGDONG DANTES

JUDAY

LANG

NAMAN

NIYA

SIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with