^

Pang Movies

Anjanette Abayari pinipintasan ang hitsura?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May interview ang Startalk kay Anjanette Abayari at mapapanood ito sa darating na Sabado.

Hindi pa sure kung magiging live guest namin si Anjanette na matagal din na hindi nakabalik sa Pilipinas mula nang makulong siya sa Guam dahil sa shabu na nahuli sa kanyang pag-iingat.

Seksi pa rin si Anjanette sa picture niya na nakita ko, courtesy of Mama Salve.

‘Yun nga lang, hindi positive ang mga comment sa hitsura ni Anjanette na 44 years old na pala.

Masyadong judgmental ang madlang-bayan na maraming sinasabi tungkol sa mukha ni Anjanette na natural na magbago dahil nagkaedad na siya.

Hindi naman lahat ng artista eh katulad ni Dawn Zulueta na habang tumatanda, lalong gumaganda.

Saka, maraming pagsubok na pinagdaanan si Anja­nette kaya nangarag ang face niya.

Dindi hindi mahilig mag-makeup kaya napanatiling maganda at batang tingnan ang mukha

Bukod kay Dawn Zulueta, maganda pa rin si Dindi Gallardo na walang peleges sa mukha.

Nagkita kami ni Dindi nang umuwi siya sa Pilipinas noong nakaraang taon at kabilang siya sa mga aktres na na-maintain ang kagandahan.

Hindi kasi mahilig mag-makeup si Dindi at marami siyang nalalaman tungkol sa mga organic beauty products.

Natatandaan ko na gumagawa pa siya noon ng mga sabon na sobrang ba­ngo at skin friendly. Nabibili sa Rustan’s ang mga sabon ni Dindi na Bath 2 Basic ang pangalan. Natigil lang ang paggawa niya ng all natural soap nang bumalik siya sa Amerika noong 2001.

Alma biglang pinag-usapan

In the news si Alma Concepcion dahil sa open letter niya kay Dody Puno, ang ama ng kanyang anak na lalaki na mahusay maglaro ng golf.

Nakalulungkot na hindi pala naging maganda ang relasyon nina Alma at Dody nang magkahiwalay sila.

Hindi ko malilimutan ang malaking suporta na ibinigay ni Dody kay Alma nang magkaroon ito ng problema sa Guam.

Si Dody ang tumulong kay Alma para makalaya ito mula sa kulungan sa Guam at makabalik sa bansa.

Matagal nang walang balita tungkol kay Dody hanggang maglabas si Alma ng open letter para sa kanya.

Tanging sina Alma at Dody ang makakalutas ng kanilang mga problema na pinagpipistahan ng publiko na sabik sa mga intriga at eskandalo.

Minamanok manalo ng mga reporter Winwyn pinupuri na almost perfect ang katawan

Si Winwyn Marquez ang pinag-uusapan ng mga TV reporter na nakakuwentuhan ko noong Martes sa contract signing ni Alonzo Muhlach at ng Viva Artists Agency.

Nanggaling kasi ang mga TV reporter sa press presentation ng Binibining Pilipinas sa Sofitel.

Puring-puri ng mga TV reporter ang almost perfect body ni Winwyn na talagang pinaghandaan ang pagsali niya sa Binibining Pilipinas.

Hoping ang mga reporter na mapapanalunan ni Winwyn ang isa sa mga beauty title ng Binibining Pilipinas.

Pamangkin ni Melanie Marquez si Winwyn. Sa March 15 pa ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2015 kaya may panahon pa si Melanie para magbigay ng pointers sa anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

May karapatan si Melanie na magbigay ng pointers kay Winwyn dahil winner din siya ng Binibining Pilipinas noong 1979.

Nagbigay ng karangalan si Melanie sa bansa nang siya ang tanghalin na 1979 Miss International. Literal na naging international model si Melanie matapos ang tagumpay niya sa Miss International na idinaos noon sa Japan.

ALMA

ANJANETTE

BINIBINING PILIPINAS

DAWN ZULUETA

DINDI

DODY

MELANIE

WINWYN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with