^

Pang Movies

Yasser, inaming nagkagusto kay Claudine

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Yasser, inaming nagkagusto kay Claudine
Yasser Marta at Claudine Barretto

Inamin ni Yasser Marta na nagkaroon siya ng pagtingin kay Claudine Barretto nang gawin nila ang GMA/Regal Entertainment series na Lovers/Liars.

Ginawa ng Sparkle hunk ang pag-amin nang masalang sa “hot seat” ng programang Sarap Di Ba? nina Carmina Villarroel at mga anak nito na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Sa naturang segment, tinanong si Yasser kung gaano sila ka-close ni Claudine Barretto?

Sagot ng aktor: “Well, sa closeness namin ni Miss Clau, 10 talaga. As in sobrang naging close kami, ginagawa namin yung Lovers/Liars. Talagang oo.”

Sinabi rin ni Yasser na naging kaibigan na rin niya ang mga anak ni Claudine.

Sunod na tanong ay kung nagkaroon ba siya ng feelings para kay Claudine?

Sagot ni Yasser: “I’m going to be honest. Totoo. Ako naman, ‘yung naram­daman ko at that moment, naging totoo ako, gusto ko rin naman talaga si Claudine. Kahit hindi siya si Claudine, kahit naman sinong lalaki, magugustuhan pa rin po siya eh. Bukod sa mabait, napakalambing, napakabuti ng puso niya.”

Angeli, nagsalita tungkol sa kanila ni Dominic

Nasangkot bigla ang pangalan ni Angeli Khang sa diumano’y dahilan nang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas, itinanggi ng Vivamax star at kasama ngayon sa Kapuso series na Black Rider series, na siya ang dahilan kaya naghiway sina Bea at Dom.

“Fake news po, fake news siya. Tingin sa akin ng mga tao ‘pag lumalabas ako na taray na taray talaga sa akin, parang ako talaga yung reason ng breakup nila. Gusto kong mag-explain sa kanila, wait hindi po, hindi po kami magkakilala,” paglilinaw ni Angeli, sabay paliwanag na hindi pa niya nakakatrabaho o personal na kakilala si Dominic.

Mula nang madikit ang kanyang pangalan sa breakup nina Bea at Dominic, sinabi ni Angeli na marami talaga ang nagalit sa kanya.

“Every time po na lumalabas ako, nakikita ko ‘yung mga tingin sa ‘kin ng mga tao na parang hate na hate nila ako. Kaya nung time na ‘yun hindi muna ako lumabas ng one week. Hindi muna ako nagpakita sa lahat,” kuwento pa niya.

Nitong nakaraang Pebrero 2024 nang kumpirmahin nina Bea at Dominic ang kanilang breakup.

vuukle comment

YASSER MARTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with