^

Pang Movies

Hindi sinuwerte sa pangalawang asawa dating beauty queen na si Joyce Ann Burton tatlong aso ang itinuturing na anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi raw totoo ang binalita ng isang entertainment website na extended hanggang 2015 ang reign ni Megan Young as Miss World.

Ayon sa former Bb. Pilipinas-Universe 1985 na si Joyce Ann Burton, ang naturang website raw ay nanggugulo lang sa mga balita at katatawanan lang ang mga binabalita nila roon.

“I’m involved kasi with the screening committee of Miss World Philippines and when I read that also, siyempre, natawa lang ako because it’s not true.

“Megan will still relinquish her crown to the new Miss World. Mai-extend si Megan sa pagtulong niya sa mga charity works ng Miss World.

“Nagustuhan kasi ni Mrs. Julia Morley ‘yung performance ni Megan sa mga charity events nila around the world. So she wants her to continue on sa pagtulong sa kanila.

“Regarding naman doon sa website, ako mismo, binabasa ko ‘yon kasi naaaliw ako sa mga binabalita nila. Magaling ‘yung writers nila and they will make you believe na totoo ang news nila.

“If you’ve just heard of it the first time at naniwala ka, parang nabiktima ka nila.

“Kelan lang they had this news na banned ang Philippines from joining international beauty pageants for two years. Siyempre, wala namang gano’n talaga at naimbento lang nila ‘yon.

 “If you want a good laugh, you go to that website kasi nakaaliw lang talaga mga binabalita nila na outrageous,” tawa pa ni Joyce.

First teleserye Joyce ang GMA Afternoon Prime series na Ang Lihim ni Annasandra kung saan gaganap siyang kontrabida.

After ng kanyang reign as Bb. Pilipinas-Universe 29 years ago, tatlong pelikula lang ang kanyang nagawa.

 “I had the privilege to work with the late Comedy King Dolphy and the late Panchito in Kalabog En Bosyo. Then I also worked with the late Vic Vargas in Ang Anomalya ni Andres de Saya. The last movie I did was Binibini ng Aking Panaginip in 1994. I had my family na kasi and they’ve became my priority.”

Dalawang beses ngang kinasal si Joyce. Annulled na siya sa unang mister niyang Requiestas ang apel­yido. Dalawa ang naging anak niya rito. Ngayon ay Titular na ang married name niya.

 “Hindi na kami sinuwerte na magkaroon ng sarili naming anak. But we have three dogs naman and those are our babies. ‘Yung dalawang anak ko, they are based na sa US,” pagtatapos pa ni Joyce Ann Burton.

Regine tuloy ang pagtulong sa kaibigang may tumor

Hindi nakapagtataka na tuluy-tuloy ang biyaya na dumarating sa Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid dahil patuloy siyang tumutulong sa ibang tao.

Isa sa tinutulungan pa rin ng Bet ng Bayan host ay ang kanyang kaibigan na si Eva Castillo na may kidney tumor ngayon.

Si Eva ang naging matinding kalaban ni Regine noong kasalukuyang sumasali ito sa mga singing contest. Galing na mismo kay Regine na mahirap nga raw kalaban si Eva dahil sa laki ng boses nito.

Dahil sa mas nabiyayaan si Regine ng suwerte at naging isang sikat na celebrity, hindi iyon naging hadlang para hindi siya mag-share ng kanyang blessings, lalo na sa isang kaibigan na nangangailangan.

Sa ngayon ay tumigil na raw si Eva sa kanyang pagkanta dahil lumala na raw ang sakit nito at kailangan ng mahabaang gamutan.

Kabilang din sa mga tumutulong kay Eva ay si Direk Louie Ignacio at ito ang nagsabi na noong mabalitaan daw ni Regine na may sakit si Eva, kusa raw itong nagbigay ng tulong at wala na raw itong tinanong pa.

Ashton Kutcher wish na magkaroon

ng privacy ang bagong silang na anak

Wyatt Isabelle Kutcher ang name na napili ng Hollywood couple na sila Ashton Kutcher at Mila Kunis sa kanilang bagong silang na baby girl.

Nanganak si Mila noong nakaraang September 30 sa Cedars Sinai Medical Center in Los Angeles, California.

Nag-post na si Ashton sa Facebook ng maraming photos ng mga babies at pinapahulaan niya sa kanyang followers kung sino sa mga iyon ang kanilang baby ni Mila.

 Sa kanyang website naman ay ito ang sinulat ni Ashton...

 “Mila and I would like to welcome Wyatt Isabelle Kutcher to the world. May your life be filled with wonder, love, laughter, health, happiness, curiosity, and privacy. Can you guess which one is ours, or does it really matter? All babies are cute.”

 

vuukle comment

ASHTON KUTCHER

EVA

JOYCE ANN BURTON

MEGAN

MISS WORLD

NILA

WYATT ISABELLE KUTCHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with